Advertisers

Advertisers

Gerald binalaan ng erpat ni Julia, ‘wag sasaktan ang anak; Richard ligwak ang beki role

0 248

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA show nina Tekla at Boobay ay marami ang naaliw sa mga binitawang salita ng bagong leading man sa Kapuso network na si Richard Yap.

Kahit nga daddy na si Richard ay marami pa rin ang nagpapantasya sa kanyang yummy body.



Nagsimula sa pagmo-model hanggang pasukin na ang pag-aartista. Hot dad naman kasi ang peg nitong si Richard at tsika pa nito sa mga tanong nina Tekla at Boobay kung ilan taon ba raw ito na-inlove, sino ang crush nito sa showbiz at ready ba siyang gumanap na gay sa isang project.

Isa-isang sinagot ni Richard ang tanong ng 2 beki na host.

Una na nga raw si Dawn Zulueta na crush ni Richard at sumunod ay si Angel Locsin at si Solenn Heussaff.

Edad 16 daw pero sabay bawi ni Richard na 14 years old nang ma-inlove siya.

Kung okey ba sa kanya gumanap na beki role sa kahit na anong project eh agad nitong niligwak na hindi nito kaya gumanap na gay.



Action-drama  kasi ang forte ni Richard kaya malabo na i-grab nito ang gay role.

Sure rin daw na siya ang magiging leading man ni Heart Evangelista sa bagong project ng GMA-7, ang I Left My Heart In Sorsogon.

***

INAMIN  ni Dennis Padilla na wala na itong alam sa lovelife ng anak na si Julia Barretto.

Never naman daw ito nagkukuwento or nagsasalita regarding sa kanyang lovelife.

Pero kung ibabahagi nga raw nito ay puwede naman daw itong magpayo.

Sa ngayon ay wala naman kuwentong pag-ibig si Julia sa ama.

Basta si Dennis kung saan masaya ang anak ay doon siya at suportahan niya ito.

Sa edad nga raw nito na 23 ay nasa right age na ito at alam na niya ang tama at mali.

Pero may paalala at parunggit ang ama ni Julia kay Gerald Anderson na nali-link sa kanyang anak.

Kung talaga nga raw sila ay mahalin nito si Julia at huwag sasaktan at lolokohin.

Well, well, well…’Yun na!