Advertisers

Advertisers

JANE KAAWAY O KAKAMPI NI COCO SA ‘FPJ’S ANG PROBINSYANO’?

0 318

Advertisers

Ni BKC

SA patuloy na pagluluksa ni Cardo (Coco Martin) sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang asawa na si Alyana (Yassi Pressman), nakatakdang magdala ng sunud-sunod na pagbabago sa buhay niya si Pol. Capt. Lia (Jane de Leon) sa mga umiinit na tagpo sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Nagpasalamat si Jane sa suporta ng viewers para sa bago niyang karakter bilang sniper at isa sa mga lider ng grupong Black Ops, na ayon sa kanya ay malayo pa ang lalakbayin sa serye.



“Sobrang nagustuhan ko ang role kasi may pagkabrusko si Lia, sobrang approve talaga sa akin. Ang inaabangan ko talaga dito ang makaeksena si Coco. Maraming aabangan sa amin. Ano ang magiging parte ko, magiging kontrabida o kakampi ba ako ni Cardo Dalisay?” patikim ni Jane sa media conference niya noong Biyernes (Pebrero 5).

Bilang baguhan naman sa “Probinsyano,” itinuro namang dahilan ni Jane ang pamumuno ni Coco bilang creative director ng serye at ang pagsasama ng lahat mula production staff hanggang mga artista.

“Si Coco po talaga, sobrang talino niyang tao. Napaka-creative po niya at magaling gumawa ng story, hindi lang para sa kanya pero sa ibang characters na involved sa serye. Ang pakikisama rin ng lahat ng tao mapa-staff, mapa-camera men, mga direktor at artista, hindi nila pinapabayaan ang isa’t isa lalo na ang show. Doon ko nakita kung bakit tumagal ang serye,” ayon kay Jane.

Sa pagpapatuloy ng kwento, hindi pa rin titigil ang Black Ops sa pagtugis kay Cardo habang patuloy na inaalam ni Lia ang nakaraan ni Cardo para makilala ang totoong pagkatao nito.

Habang nagdurusa naman si Cardo sa pagkamatay ni Alyana, masama naman ang loob sa kanya ng ilang miyembro ng Task Force Agila dahil sa gulong kinasasangkutan nila ngayon. Sampal din ang inabot ni Cardo mula sa nanay ni Alyana, na matindi pa rin ang galit sa kanya at sinisisi siya sa hirap na pinagdadaanan ng kanilang pamilya.



Samantala, bitag pa rin nina Arturo (Tirso Cruz III) at Lily (Lorna Tolentino) sina Diana (Angel Aquino) at Mang Teddy (Joel Torre) na patuloy nilang pinahihirapan para ituro kung saan ang kinaroroonan ni Cardo.

Ano ang magiging plano ni Cardo sa lahat ng problemang kinakaharap niya? Madiskubre kaya ni Lia ang totoong dahilan ng pagtugis ng Black Ops kay Cardo?

Patuloy na sinusubaybayan ng mga Kapamilya ang action-drama series, na humakot ng  pinakamataas na live viewership record sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment sa higit 102,000 peak concurrent viewers sa episode nito noong Enero 25.

***

‘THE HOUSE ARREST OF US’ NG KATHNIEL, NUMERO UNO SA NETFLIX

 

ANG groundbreaking digital movie series ng ABS-CBN Films na “The House Arrest Of Us” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kasalukuyang nangungunang palabas sa Netflix Philippines.

Nito lamang Lunes unang ipinalabas sa Netflix ang series at tuluyan na itong nagwagi sa puso ng mga manonood dahil sa nakatutuwang kwento ng bagong engaged couple.

Nakasentro ang palabas sa hirap na pagdadaanan nina Quencess (Kathryn) at Korics (Daniel) sa unang pagkikita ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng tradisyong pamamanhikan, na hindi inaasahan ay maghahatid sa lahat na magsama-sama sa isang bubong dahil sa biglaang implementasyon ng quarantine.

Kasama rin sa patok na romantic dramedy series sina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, Gardo Versoza, Alora Sasam, Riva Quenery, Anthony Jennings, at Hyubs Azarcon.

Unang ipinalabas ang 13-episode program na idinirek ni Richard Arellano sa ktx.ph noong Oktubre 2020. Bukod sa KTX, naglabas din ito ng bagong episode linggo-linggo sa ABS-CBN streaming service na iWantTFC.

Ang mga bida ng “The House Arrest Of Us” na kilala rin bilang KathNiel tandem, ay may matinding following hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Southeast Asia.

Bukod sa “The House Arrest of Us,” napapanood na rin sa Netflix ang mga pelikula ng KathNiel mula sa ABS-CBN Films na “Barcelona: A Love Untold,” “Crazy Beautiful You,” “Can’t Help Falling In Love,” “Must Be Love,” “She’s Dating the Gangster,” at “The Hows of Us.”

Patuloy ang ABS-CBN sa pagprodyus ng mga programa at pelikula na kinikilala dahil sa makabagbag damdamin kwento nito na pumupukaw sa puso ng mga manonood mula sa iba’t ibang bansa.