Advertisers

Advertisers

Pacman at Idol Raffy nangangamoy-salpukan sa 2022 election

0 271

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

RIGHT after tanggalan ng World Boxing Association (WBA) ng super welterweight belt ang Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao, marami ang nakapansin sa post nito sa Instagram na nakangiti at tila hindi apektado ng nasabing balita.

Maaalalang ang pagiging hindi aktibo ng senador sa larangan ng boksing ang naging dahilan ng naging desisyon ng nasabing professional boxing association.



Dahil sa pagkakatanggal ng kanyang titulo, na-promote ang Cuban boxer na si  Yordenis Ugas bilang bagong Welterweight Super Champion.

Ayon sa website ng WBA, hindi naidepensa ng boxing icon ang kanyang titulo simula nang napagtagumpayan nito ito noong 2019 kay Keith Thurman.

Nagbunyi naman si Floyd Mayweather, Jr. para kay Ugas na isa sa mga pinakamabigat na kalaban noon ng Pride of Saranggani.

Marami naman ang nagtanggol kay Pacman hinggil sa pagkakatanggal nito ng titulo.

Ito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon.



“No need to prove anything, sir. You have done so much for our country and because of your humility, the whole world adores you.”

“Your humbleness is more than enough. You have made your fellow Filipino proud & even made others too!”

“Ang tatak ng pagiging kampeon mo ay hindi na mawawala sa isipan ng mga Pilipino kaya ok lang yan sir.”

Sey naman ng ilang observers, mas nakapokus daw ang atensyon ngayon ni Manny bilang paghahanda sa 2022 national elections.

Naging kontrobersyal din ang senador dahil sa kanyang panukalang gawing siyam imbes na walo ang sikat ng araw na kinakatawan sa pambansang watawat.

Iyon ay para raw may representasyon ang Mindanao na nakipaglaban din sa mga mananakop noong panahon ng mga Kastila.

***

INAABANGAN na kung sino ang magiging katunggali ni Pacman sakaling mag-file na siya ng kandidatura bilang Presidente para sa 2022 national elections.

This early, maraming sumusulpot na pangalan tulad ng male Cinderella ng Tondo na si Isko Moreno.

May mga nagpu-push din ng tandem nina Idol in Action host Raffy Tulfo at Wowowin host Willie Revillame.

Sey nila, marami raw ang susuporta kay Tulfo sakali ngang magdesisyon siyang pumasok sa pulitika.

Ito ay kahit na sinabi na niya noon na hindi siya interesado na sumabak sa pulitika.

Marami kasing natutulungan si Raffy dahil siya ang itinuturing na sumbungan ng bayan na nagtsatsampiyon ng kapakanan ng mga naaagrabyadong Pinoy.