Advertisers
SOBRANG bastos, walang galang sa taxpayers itong Presidential Spokesman ni Pangulong Rody Duterte na si Atty. Harry Roque.
Sa kanyang pagsasalita sa pagpapakita sa parte ng tunnel boring machine na gagamitin sa Metro Manila subway project sa bansa, walang prenong sinabi ni Roque na: “Sa lahat ng kritiko ng administrasyon, MANIGAS KAYONG LAHAT!”
Ang statement niyang ito ay hindi pinalagpas ni Senador “Ping” Lacson. Aniya, isang pagpapakita ng “arrogance” at “ignorance” ang ginawa ni Roque.
Binira rin ni Vice President Leni Robredo ang kayabangan ng dating human rights lawyer na naging tarantado nang maging tagapagsalita ng administrasyon.
“Kaya tayo nagkakaganito, kasi walang acceptance ng kakulangan… Parang iyong nakakalungkot, kasi ito na ba iyong klase ng public servants natin? Ako lang, para sa akin, hindi naman natin dine-deserve na iyong mga public servant natin mga bastos. Hindi natin dine-deserve na ubod ng yabang,” ngitngit ni Robredo.
Mga brutal din ang reaksyon ng netizens laban kay Roque.
Anila, hindi dapat naglalagay si Pangulong Duterte ng spokesman na alanganin ang pagkatao dahil kung minsan ay kung ano-anong salita na ang namumutawi sa bibig nito. Mismo!
Actually, ang proyektong subway sa Metro Manila ay niluto noong panahon pa ni PNoy (Pangulong Noynoy Aquino) sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Ang Japan ang nag-aral sa naturang multi-billion project na ito na nakapaloob na ngayon sa ‘Build Build Build’ program ng Duterte administration.
Ang proyektong ito, kapag natuloy, ay maaring matapos sa termino ng sunod na pangulo ng bansa. Posibleng masimulan ito sa 2022.
***
Isang concerned citizen ang nag-text sa atin hinggil sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa kanilang barangay sa Marikina City:
“Sir magandang araw ho. Isa ho akong concerned citizen na nababahala dahil sa talamak na bentahan ng shabu dito sa aming lugar ng Barangay Tumana. May pusher ho dito na talamak na nagbebenta ng shabu. Nagngangalang Rey at Loren po. Dito yan sa may Angel st, Bgy. Tumana, Marikina City. Mga labas kulungan po sila ngunit hindi parin naghihinto sa pagbebenta ng shabu. Dapat hindi na sila pinalabas ng kulungan. Nakakatakot po kasi na madamay ang mga inosente rito kapag nagkahulihan.”
Hanggang ngayon talamak parin ang iligal na droga sa bansa sa kabila ng napakarami nang pinaslang.
Paano naman kasi itong ilang awtoridad, kapag nakahuli ng malaking bulto, nire-recycle ang iba. Peste!
***
Ngayong buwan na raw magsasagawa ng pagbabakuna kontra Covid-19. Sana nga’y totoo na ito… Dahil mag-isang taon nang under quarantine ang Pinas. Araw-araw nasa P2 bilyon daw ang nawawala sa kaban ng bansa. Kaya naman lugmok na lugmok ang ating ekonomiya. Pa-tuloy na dumadami ang nawawalan ng trabaho dahil sa mga nagsasarang kompanya at mga nagbabawas ng em-pleyado. Nitong buwan lang ay higit 2,000 ang inalis na trabahador ng PAL, dagdag uli sa halos 8 milyong jobless. Tapos ang gobierno panay parin pakalat ng fake news!
Maging matalino na tayo sa pagpili ng next President!