Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TUMITINDI ang mga eksena at rebelasyon sa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas kaya naman hindi kataka-taka na lagi itong trending at patuloy ring namamayagpag sa ratings.
Sa katunayan, nitong Huwebes (February 4) ay nakakuha ang Prima Donnas ng overnight NUTAM People rating na 13.4%, ayon sa data ng Nielsen Phils.
Sa naturang episode kasi ay muling pina-DNA ni Jaime (Wendell Ramos) si Brianna (Elijah Alejo) matapos sabihin ni Lilian (Katrina Halili) na dalawa lang ang anak nina Jaime at Maita (Glaiza De Castro), sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo). Ito ang dahilan kung bakit nabuking ni Jaime na isa palang pekeng Claveria si Brianna.
Bukod sa mataas na ratings, certified trending din ang nangyaring rebelasyon dahil sa loob lang ng ilang oras ay pumalo na ng mahigit 1 million views at number 4 trending topic sa YouTube ang eksena nina Jaime at Brianna.
Sigaw naman ng viewers at netizens na sana ay ma-extend o magkaroon ng book 2 ang serye. Patuloy na tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA-7.
***
Magpakilig sa ‘Harana from the Heart’ ng Kapuso Network
DAHIL Kapuso Month ngayong Pebrero, may ‘Harana from the Heart’ ang GMA para sa mga gustong maghatid ng saya at kilig sa kanilang mga minamahal.
Ito na ang chance para mabigyan ng magandang sorpresa ang inyong special someone. Mag-comment lang sa Facebook post ng GMA Network patungkol sa ‘Harana from the Heart’ at sagutin ang tanong na “what makes your special someone truly special?” Dapat nakakakilig, touching, at unique ang sagot ha!
Malay ninyo, mapili ang inyong entry at may chance na haranahin ng talented Kapuso singers ang inyong special someone.
Sa ilalim ng temang ‘#pUSoTOGETHER,’ pangako ng GMA na maghatid ng pag-asa at pagmamahal sa lahat ng Kapuso viewers sa kabuuan ng Pebrero sa pamamagitan ng iba’t ibang kapanapanabik na programa.