Advertisers

Advertisers

Kris may plano ulit mag-asawa pero walang may gustong maging ‘Mr. Kris Aquino’

0 234

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SA Instagram na Because Q&A ni Kris Aquino, may nangumusta sa lovelife ni Kris at aniya, “because I`ve learned for  as long  as  he  gets bimb`s  okey  then  I  can take the risk but unless we`re  married,  he will NEVER  appear  in  any of my posts.

“Because deserve  na namin ang patibayin  ang samahan  bago ko siya  ipakilala sa inyo. Lessons  learned the hard way.”



Hindi sumang-ayon si  Kris sa comment  na hindi siya suwerte sa pag-ibig.

“I  disagree because nakajackpot  ako, may kuya josh & may bimb. Sila ang minalas kasi  hindi sila naging part ng  pagpapalaki  nung dalawang napaka-lovable na higante ko.”

Kasunod nito ay ipinahayag ni Kris na may plano pa rin siyang mag-asawa dahil gusto niyang may kakuwentuhan, kakampi  at kakulitan.

“And ready na si Bimb…most  of all  ready na ko to give all of this up  if   he wants a  quiet  & peaceful  life. Gusto  ko pa because I still believes  in love …pero tanggap ko no man wants to be Mr. Kris Aquino.”

But sa ngayon ay single si Kris dahil natakot na siyang magmahal at magtiwala. Gusto raw niya sa Tarlac na magretiro balang araw.



“Kasi si Bimb ikakasal it will just be kuya josh & me. He`s  happy there. So kung  saan  sya  happy dun kami.”

***

SARAH G PINABABALIK NA SA ‘ASAP’ NG CO-HOSTS

NAG-trending si Sarah Geronimo sa Twitter last Sunday habang ongoing ang 26th anniversary episode ng ASAP Natin `To kaya akala ng karamihan ay darating na siya sa show.

Matagal na rin kasing hindi nakakapag-perform ang actress/singer sa ASAP stage  at puro recorded performance lang ang napapanood sa kanya na kuha sa ibang lugar.

Wala ngang Sarah na umapir sa show kaya idinaan naman ng kanyang mga tagahanga sa Twitter ang pagka-miss sa kanya kaya hindi naalis sa trending  spot ang topic na “weloveyou Sarah G.”

Sa kanyang Twitter account ay nagpahatid naman si Sarah ng pagbati sa ASAP anniversary.

“Happy 26th Anniversary ASAP!” tweet niya.

May isang netizen naman ang nagtanong kung nag-quit na raw ba si Sarah sa nasabing Sunday variety show?

Maging ang mga co-host ni Sarah sa ASAP ay nanawagan sa actress/singer na bumalik na siya.

“Sarah G we miss you na,” sabi ni Regine Velasquez. Sagot naman ng mga co-host niya, “oo nga! Balik ka na sa ASAP!”

Si Janine Gutierrez na bagong member ng show ay nagsabi rin na isa siyang fan ni Sarah kaya sobrang excited  din siya na makasama ito sa stage.

Sagot naman ni Regine, “nagpapahinga lang ngayon ang ate mo, kasi alam mo na, kakakasal  lang, ganu`n  talaga  yun, honeymoon. Ako rin  nu`n,  hindi nagtatrabaho. Ganu`n  talaga yun. Tapos, eventually, magsasawa na kayo,  magtatrabaho  ka na ulit, ganu`n.”