Advertisers
INAPRUBAHAN na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mungkahi ng Centro Escolar University na magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa kabila na nasa gitna parin ng Covid-19 pandemic.
Ito’y kasunod ng pagpupulong sa pagitan CEU officials at ng alkalde nitong Pebrero 8.
Kasamasa pulong sina CEU School of Dentistry Dean Dr. Pearly Lim, CEU Community Dentistry head Dr. Felipe Wilfredo Espineli, at CEU Security Department head Col. Nicanor Grino.
Bilang kinatawan ng CEU department heads, sinabi ni CEU President Dr. Maria Cristina Padolina kay Domagoso na ang pagtatapos ng kanilang mga mag-aaral ay naantala ng isang taon dahil sa kawalan ng “practicum” dahil sa quarantine restrictions na ipinataw ng gobyerno.
Ayon kay Dr.Padolina, saklaw ng CEU ang limitadong face-to-face classes para sa graduating students mula sa School of Dentistry.
Bilang tugon, sumang-ayon si Domagoso na ang pamahalaang pang-lungsod at mga institusyong pang-eduaksyon sa Maynila ay hindi makakalayo kung hindi umuusad.
Binigyang diin nito ang pangangailangan ng mas maraming nagtapos para sa sector ng kalusugan sa bansa.
Samantala, sinabi ng alkalde sa pamunuan ng CEU na maaring makakuha ng libreng swab tests mula sa Manila LGU kung kinakailangang magpa-test ang kanilang mga estudyante. (Jocelyn Domenden)