Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUPER close si Winwyn Marquez sa kanyang mga kapatid, lalo na kay Vitto Marquez na ngayon ay sinusubukan ang kapalaran sa showbiz.
Para naman kay Vitto, hindi lang niya ate si Winwyn kundi idol pa niya ito sa lahat ng narating na tagumpay ng kapatid. Una na sa paghanga niya kay Winwyn ay nang manalo ng international beauty pageant, ang Reina HispanoAmericana, at ang kapatid ang kauna-unahang Pinay na nakakuha ng nasabing tituilo.
Hindi lang sa galawang pambabae, bilib si Vitto sa ate niya. Mas lalo siyang napahanga rito nang pasukin ni Win ang basic military training para maging Philippine Navy Reservist at si Winwyn lang din naman ang naging Class President ng kanilang Batch Dakila, at Top 1 din sa Class 01-2020 at Top 1 din sa Physical Fitness.
Say pa nga ni Vitto, hindi niya inaakalang makatatapos pa ang ate sa kurso niya sa military lalo pa nga’t nakikita niya ito sa tuwing uuwi ng kanilang tahanan ay may mga pasa sa katawan sanhi ng mga physical training.
Ilan sa physical exams na ginawa ni Winwyn, ang push-ups sa batuhan at pag-akyat sa mga kabundukan sa Ternate, Cavite nang walang uwian.
Ngayon nga ay hinihikayat ni Winwyn ang nakababatang kapatid na kumuha rin ng military training at maging reservist. Ano kaya ang say ni Vitto?
“Why not, why not? I mean, sabi ni ate, ang advise niya rin sa akin na habang bata explore everything na puwede mong gawin,” ani Vitto.
Samantala, nakarating na rin kay Winwyn ang panganganak ng partner ngayon ng ex-boypren niyang si Mark Herras, na si Nicole Donesa. Ayon sa beauty queen/actress, happy siya para sa kanyang former boypren. Dagdag na say pa ni Winwyn, taon na rin naman ang binilang simula nang huli silang mag-usap ni Mark.
Kung gaano kahaba ang panahon ng kanilang hiwalayan ay ganun din daw ang haba ng hindi nila pag-uusap ni Mark. Say pa ni Winwyn, super nakapag-move-on na siya sa hiwalayan nila ni Mark.
At sa katanungan kung may kapalit na ba si Mark sa puso niya ngayon, wala kasing balita na may karelasyon na siya? Matipid na sinagot ito ni Winwyn sa pagsasaabi ng mga katagang ‘Yes, I’m taken na!’
Nang matanong naman kung sino ang lucky guy at kung showbiz din ba ang bagong bf, tugon lang ni Winwyn ay ‘andito siya ngayon sa Pinas’, as in Pinas-based ang bf niya. Afam ba ang bf ngayon ni Winwyn? Well…