‘Di na exclusive sa Dos… Bea pwede na lumabas sa ibang network; Sophie buntis kaya nakipag-live in na kay Vin?
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IBINULGAR nina Vin Abrenica at Sophie Albert na nagsasama na sila ngayong tapos na ang kanilang ipinagawang bahay.
“Another milestone for us. WE ARE MOVING IN!!! One of the reasons why we`ve been so MIA is cause it has been quite a stressful process trying to get our home ready and finished. It`s moving a lot slower than we expected, but we`re hopeful that our home is coming together slowly, but surely!! Konti na lang! Kapit lang!!” post ni Sophie.
Sabi naman ni Vin, “If you saw @itssophiealbert`s post, yes we are moving in together!! Sinabi na niya lahat eh. Wala na so eto na lang, to vlog or not to vlog? Sobrang dami naming natutunan sa process na ito. Malapit na malapit na matapos ang aming bahay!!”
Hindi na sinagot ni Vin ang tanong ng isang netizen na ngayong may bahay na sila, isusunod na raw ba nila ang kasal? May nag-comment naman kung nag-propose na raw ba si Vin kay Sophie?
Anyway, whatever comment pa ang makarating sa dalawa ay super happy sila right now at walang naligaw na judgemental na inuna pa nila ang live-in kaysa kasal. Basta importante ay may sarili na silang bahay at ikasal man at magkaanak ay secure na sila.
Pero how true na malakas ang isyung buntis na raw si Sophie?
***
KANYA-kanya hula ang viewers kung sina Bea Alonzo at Alden Richards ba o sina Heart Evangelista at Maja Salvador ang tinutukoy sa teaser na “3 days to go! Two of the country`s biggest stars together for one memorable project.”
Ngayong Monday, Feb.15 mangyayari kung sino nga ba ito.
May nagsasabi na sina Heart at Maja ang tinutukoy dahil sa napabalitang magiging Kapuso na ang huli at makakasama ng una sa I Left My Heart in Sorsogon.
Pero walang nangyaring contract signing sa GMA Network si Maja at ang balita nga ay sa TV 5 pa rin ito gagawa ng project kasama si Empoy.
Mas marami ang naniniwalang ito yung formal announcement ng pagsasamahang movie nina Bea at Alden. Kinumpirma na kasi ni Bea at sinabi na rin ni Alden na magtatambal sila sa A Moment to Remember, kaya lang wala pa rin pahayag ang producer na Viva Films, APT Entertainment at GMA Pictures.
Masuwerte sina Alden at Bea dahil pinayagan nang magbukas uli ang mga sinehan, nangangahulugan na hindi na lang by streaming mapapanood ang kanilang movie puwede na sa sinehan kahit limited ang audience ay maganda pa rin manood sa big screen.
Samantala, nasabi ni Bea sa isang interview na ngayong isa na siyang feelancer ay puwede na siyang lumabas sa kahit anong TV network at makakaasa ang fans na magkasama sila ni Alden na magpo-promote ng movie sa mga show ng GMA-7.