‘Di tuloy nakasama ang swithart… Lovi sa taping inabutan ng b-day; AiAi laging karay ang asawa sa mga raket
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA trailer palang ng “Owe My Love” ay marami nang televiewers na naaliw sa teleserye nina Lovi Poe at Benjamin Alves. Parang wala sa harap ng kamera ang aktingan ng buong cast, as if magkakapitbahay lang sila sa isang barangay.
Kaya lumipas man ang Valentine’s Day at birthday ni Lovi last Feb. 11 na hindi kapiling ang kanyang British boypren na si Montgomery “Monty” Blencowe, nairaos ito nang masaya kasama ang buong cast ng bagong serye.
Say ni Lovi, ini-enjoy daw talaga nila ng mga kasamahan niya na sina Benjamin, AiAi delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Kiray Celis, Nova Villa at marami pang iba, ang kanilang work na sila-sila rin ang magkakasama sa venue sa loob halos ng ilang linggong walang uwian.
Since pangalawang subok na nila ng lock-in taping ay naging gamay na nina Lovi ang kanilang samahan at ang tipo ng tapings ngayon under new normal.
Dagdag pa ni Lovi, isa sa nagpasaya na rin sa kanyang lock-in birthday ay ang natanggap niyang pagbati mula sa syota at isang sorpresang greeter na English actor na si Tom Felton ng Harry Potter fame.
Habang nasa lock-in taping ay nakasanayan na nilang paglutuin si AiAi ng kanilang meryenda na pasta. Sarap na sarap daw kasi ang buong cast kaya naging cook nila si AiAi.
At pag wala naman daw taping sa umaga ay sabay-sabay na nagwo-workout sila nina Winwyn, Ben, Ate Ai Ai and Jackielou, na tulad ni Lovi ay mga fitness enthusiast din.
***
AND speaking of AiAi delas Alas, isa siya sa masasabing masuwerteng Kapuso talents dahil sa kahit may pandemya ay tuluy-tuloy pa rin ang mga show niya sa Kapuso Network.
Pagkatapos maging isa sa mga judge sa “The Clash: Season 3 ay sabak na agad si AiAi sa bago niyang teleserye sa Siyete, ang “Owe My Love” na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Sa bagong normal way ng pagti-taping ay kailangan na naka-lock in lahat ng cast and staff ng isang proyekto. Walang labasan sa loob halos ng ilang linggo.
Bukod pa sa dapat may swab test bago at after ng lock-in taping. Hindi pa riyan nagtatapos, need din nila na mag-quarantine ng 14 days bago tuluyang umuwi sa kanilang pamilya.
Kaya karamihan sa mga senior citizen nating artista ay wait na lang muna na magkaroon ng bakuna bago sumabak muli sa work.
Sa kaso naman ni AiAi na 56 years old ay hindi ba siya nagdalawang-isip na sumabak sa lock-in taping?
Say ni AiAi na sa panahon ngayon na may pandemya pa sa bansa ay hindi na raw kailangan na mag-inarte para sa trabaho. Gora raw ang byuti niya sa lock-in taping dahil may mga safety protocol naman silang susundin at gagawin.
Hindi lang siya kundi lahat silang involved sa proyekto, on and off camera. Dagdag pang say ni AiAi, masaya naman daw sila lagi sa loob ng venue at mas lalo niyang nakikilala at nagiging close ang mga kapwa artista na kasama sa show.
And to top it all, para mag-enjoy si AiAi sa lock-in taping ay karay niya ang kanyang dyowang si Gerald Sibayan.