Advertisers

Advertisers

Jalen Green umiskor ng 21 sa panalo ng Ignite

0 269

Advertisers

NAGPASIKLAB ang Filipino-American guard Jalen Green ng 21 points upang buhatin ang Team Ignite na makuha ang 113-105, tagumpay laban sa mabangis na Raptors 905 sa NBA G League, kahapon ng umaga sa Walt Disney World Complex sa Orlando.
Naglaro si Green ng 23 minuto at kumana ng mahusay na 7-of-12 from thr field,habang nagdagdag ng three rebounds at three steals.
Ito ang ikatlong dikit na tagumpay ng Team Ignite sa G League bubble season, para umakyat sa tuktuk ng standings kasama ang Austin Spurs.
Hindi rin nagpa-awat si Daishen Nix na bumakas ng 25 points on 8-of-15 shooting, na sinahugan ng eight rebounds at six assists. Habang si Jonathan Kuminga na kinukunsiderang top 5 pick sa NBA Rookie Draft, ay nagdagdag ng 23 points at 13 rebounds.
Jack nagtapos ng five points,nine assists at six rebounds.