Advertisers

Advertisers

Ruffa ‘di ininda ang break-up sa 6 years karelasyon na foreigner

0 323

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MATAPOS ang anim na taon na relasyon ni Ruffa Gutierrez sa French-Israel boyfriend na si Jordan Mouyal, para raw magaan na sa dibdib at tila nabunutan ng tinik si Ruffa.

Tanggap nang maluwag sa dibdib ni Ruffa ng maghiwalay sila ng bf.



Parang wala lang daw at walang drama at ‘di rin naging emosyonal si Ruffa. Ganun lang daw ‘yun na parang dumaan lang at bigla ring nawala.

Sa pag-amin ni Ruffa na kapag nakikipaghiwalay siya ay hindi niya dinidibdib.

Kaya maraming bumilib na netizens kay Ruffa dahil ‘di daw ito tulad ng ibang kababaihan na kapag brokenhearted ay mistulang wala sa sarili sa kalungkutan.

Wish nga ng magandang aktres na sana raw ay makatagpo na ito ng kanyang forever.

***



SHARON EXCITED NA SA PINAGAGAWANG SUPER LAKING BAHAY

SA uploaded video ni Sharon Cuneta sa kanyang socmed ay ipinakita niya ang pinagagawang bahay.

Maraming humanga dahil ganun na lang kalawak ang bahay nina Sharon at Senator Kiko.

Bumilib si Sharon sa kanilang architect at mga manggagawa sa bilis at husay magtrabaho.

August last year nang simulang gawin ang nasabing bahay.

Kahit daw intensity 10 na lindol ay kayang- kaya ng bahay ni Sharon. Well, well, well…’Yun na!