Advertisers

Advertisers

Fans nalilito na… Bea saan pipirma ng kontrata: Dos, Siyete o Singko?

0 276

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMI sa followers ni Bea Alonzo ang naguguluhan at nalilito kung saan ba talaga ito pipirma ng kontrata, sa Kapamilya Network ba ulit, sa Kapatid o sa Kapuso Network.

Marami ang may gusto na sa Kapamilya siya dapat pumirma muli dahil ilang taon din naman siya sa naturang network at ito ang gumawa sa kanya para maging isang Bea Alonzo ngayon. Halos kasabay kasi ng pagkakaroon ng usapin sa kongreso ng Kapamilya Network sa kanilang renewal ng prangkisa ay nagtapos naman ang kontrata ng aktres sa naturang istasyon, as in freelancer na nga si Bea.



Iba na rin ang kanyang manager, wala na si Bea sa pangangalaga ng Star Magic.

Malakas ang bulung-bulungan na ang unang gagawin na proyekto ni Bea ngayong taon ay ang movie nila ni Alden Richards, na “A Moment To Remember” kaya agad sumaisip ng kanyang mga tagahanga na posibleng maging Kapuso na ang dalaga.

Say naman ni Bea, isa kasi sa gustong niyang gawin sa kanyang showbiz career ay ang makasama si Alden sa pelikula. Bilib daw si Bea sa akting ng aktor lalo na nang napanood nito ang pelikula nina Alden at Kathryn Bernardo. Malaki ang tsansang mapapanood na si Bea sa mga programa ng Siyete.

Lalo pa at sa ngayon ay tila malabo pang muling mag-operate ang ABS-CBN 2 at hihintayin pa ang pagpasok ng bagong kongreso sa 2022 bago talakayin ang prangkisa ng estasyon.

At dahil karamihan sa mga artista natin ngayon ay kanya-kanyang diskarte at nababansagan na mga walang utang na loob, minabuti ni Bea na ilabas ang kanyang saloobin hinggil dito.



Say ng aktres, noong baguhan palang siya ay may ganun din siyang pananaw  pero habang tumatagal daw siya sa industriya, naiintindihan na niya ang pinagdaraanan ng isang artistang nag-oober da bakod at naaawa siya sa mga ito dahil agad nahuhusgahan.

Totoo ngang malaking tulay ang network para makilala silang mga artista at tinatanaw naman daw talaga nila itong malaking utang na loob pero bilang artista naman ay pinaghirapan din nila kung anuman ang kanilang naabot as in, ‘di naman daw basta ito inabot at instant celebrity agad sila.