Advertisers

Advertisers

Kris iniyakan ang aberya sa sariling FB page

0 268

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

A day before Valentine’s, nagkaaberya ang Facebook page ni Kris Aquino.

Nawala ang lahat ng kanyang posts mula January 13.



Aniya, iniyakan daw niya ito lalo pa’t  alam niyang hindi niya ito kasalanan.

Siguro raw ay dapat naging discerning lang siya kung sino ang pagtitiwalaang administrator ng kanyang FB page.

Paliwanag pa ni Kris, kailangan daw niyang ma-retrieve ang previous posts para malaman ng kanyang followers na naging parehas siya sa pagpili ng mga magwawagi sa kanyang pakontes.

Nangako kasi siyang magbibigay ng 5k sa 75 followers na mapipili niya na ang 25 ay manggagaling sa IG at 50 mula sa FB.

Dagdag pa niya, pinahahalagahan daw niya ang more than 1.5 million followers na nagkomento sa kanyang socmed page at bumati sa kanyang kaarawan.



Ang bonggang treat ni Kris ay paraan ng pasasalamat niya sa kanyang milyong tagasubaybay.

Nanalangin at umasa si Kris na maibalik ang kanyang FB page bago ang kanyang kaarawan noong February 14.

As of this writing, hindi pa rin fully restored ang kanyang FB page.