Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
IPINAKILALA na ang mga gaganap bilang Steve Armstrong at Jamie Robinson ng much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime series na ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA Network nitong Miyerkules (Pebrero 10) sa 24 Oras.
Matapos patunayan ang kanyang husay at dedikasyon sa pag-arte mula sa kanyang mga pinagbidahang drama series, handa na si Miguel Tanfelix sa kanyang biggest role to date – ang karakter ni Steve Armstrong na tumatayong leader ng Team V5.
Mensahe ni Miguel para sa fans ng Voltes V, “Babalik ang pagkabata n’yo habang nanonood kayo ng Voltes V at sa mga kahenerasyon ko, ngayon ipaparanas namin kung ano ang nararamdaman ng mga nanay at tatay n’yo before habang nanonood sila ng Voltes V but with a different flavor. Very exciting. Ipaparamdam namin sa inyo ang lungkot, saya, epicness, at marami pa pong iba.”
Samantala, ang promising Kapuso actress na si Ysabel Ortega naman ang napiling gumanap para sa role ni Jamie Robinson na nag-iisang babae sa Team V5.
“Voltes V has a lot of meaning to its story. It’s not just about family, it’s also about fighting for what you believe in, serving your country, and being a hero in your own way. I would love to be someone who is in that position to inspire a lot of people,” ani Ysabel.
Makakasama nina Miguel at Ysabel na bubuo sa Team V5 sina Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, at Rafael Landicho bilang Little Jon Armstrong. Let’s volt in na, mga Kapuso!
***
AiAi delas Alas palaban ang mga outfit sa Owe My Love
Hindi magpapakabog ang concert queen na si AiAi delas Alas pagdating sa kanyang mga colorful and whimsical outfits sa GMA Public Affairs series na Owe My Love.
Gaganap si AiAi bilang si Vida Morales, ang bonggang boss ni Sensen Guipit (Lovi Poe). “Ako ang may ari ng VidaRolling Store. Ako ang boss ni Sensen na minsan nagpapautang sa kanya at nagbibigay payo para sa mga empleyado, kasama si Kiray at si Jason. Ako rin ay kalaban ni Ms. Jackie Lou Blanco sa lovelife naman namin.”
Abangan si AiAi bilang bonggang boss ni Sensen simula ngayong February 15 sa Owe My Love, 9:35 p.m. sa GMA Telelababad!
***
DongYan walang kupas ang pagpapakilig!
Relationship goals at mapapa-sana all ka na lang talaga sa Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa kilig at spark na makikita mo tuwing magkasama sila.
Sa latest video ng #pUSoTOGETHER campaign ng GMA Network ngayong Kapuso Month, makikita ang hilig sa pagmo-movie marathon na may kasama pang lambingan ng mag-asawang Dantes.
Balita namin ay marami pang kilig offering ang Kapuso Network lalo na ngayong Pebrero na tiyak na dapat abangan ng bawat manonood, single man o taken.
Samantala, super-cute ang TV commercial nina Marian at Zia Dantes para sa Walter Mart Supermarket.
Speaking of Walter Mart, available sila sa for delivery, tamang-tama sa panahon ng pandemya.
***
Fresh episodes ng Magkaagaw, kaabang-abang
Nagsimula na nitong Lunes (Pebrero 15), tiyak na mas iinit ang inyong mga hapon sa pagsisimula ng fresh episodes ng GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.
Sa pagpapatuloy ng seryeng pinangugunahan nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda, and Jeric Gonzales, mas matitinding harapan at tapatan ang aabangan ng mga manonood. Tuluyan na nga bang magwawagi si Veron (Sheryl) sa kanyang paghihiganti?
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa all-new episodes ng Magkaagaw, simula Pebrero 15, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.