Advertisers

Advertisers

Mojack nakipagsapalaran sa US dahil sa Covid-19

0 398

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAPILITANG makipagsapalaran sa Amerika ang versatile singer/comedian na si Mojack dahil sa Covid-19.

Mula kasi nang nagkaroon ng pandemic, nawalan siya ng mga live show at aminadong grabeng hirap ang inabot niya sa bansa.



Kuwento ni Mojack, “Yes po kuya, medyo dead that time ang entertainment po natin dyan sa ‘Pinas dahil sa pandemic. That’s why I decided to come back to the US.”

Esplika pa niya, “Grabe po yung hirap na inabot ko po r’yan sa Pinas during pandemic, kasi starting February of 2020 ay wala na talaga kaming show, na- cancelled lahat pati downpayment pinare-refund.

“Halos nine months yun, kaya naubos yung savings ko, hahaha! Halos nakapangutang pa nga po ako sa mga malalapit na kaibigan, hehehe.”

Ayon pa sa kanya, pagdating sa US ay naging caregiver siya at sa ngayon ay nagwo-work din sa Wendy’s bilang cashier.

“Yes po, pagdating na pagdating ko rito, nakapag-work po agad ako. Kasi, ‘di po ako nagsayang ng oras kahit wala po akong experience sa caregiving… Maraming nag-open ng door for me, how to do it and they train me a lot. So, one week na training and with pay, natuto po ako agad how to handle the patient,” saad pa ni Mojack.



Aniya pa, “Yes po, that’s my second job and every day off ko sa facility-the two days off ko-kinuha ko ng part time. So two days po ako sa Wendy’s Moreno Beach California as a cashier.

“Bago naman po ako natanggap doon, nag-aral po muna ako ng Food Handling sa Riverside at naipasa ko naman, kaya nabigyan tayo agad ng Certificate. Kaya po ‘di ako nahirapang mag-apply. So for now, I don’t have any day off, kasi lahat ng day nilagyan ko ng work, hehehe.

“Sayang po kasi ang araw, eh,” wika pa ng masipag na si Mojack.

Nami-miss niya ba ang mag-perform? Kung may offer dyan sa US, kapag mas safe na, game ba siyang maging entertainer dyan as sideline?

Tugon ni Mojack, “Yes naman po, miss ko na rin ulit mag-perform. Actually, may mga natatanggap pa akong message inviting me to perform, sabi ko wala po ako sa ‘Pinas, hahaha!

“Kung may offer naman here para magpasaya, yes, tatanggapin ko as a sideline. Hindi ko pa rin hihindian ang mga chances kuya, hahaha!”