Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
HINDI nangyari ang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila last Monday dahil sa pagtutol ng mga mayor at doktor.
Nangangamba kasi ang Metro Manila Mayors na magkahawaan ang moviegoers. Saka hindi naman magiging maganda ang pasok ng kita sa mga sinehan dahil 50% lang ang papayagang makapasok sa sinehan. Hindi naman sila puwedeng magtaas ng ticket.
Katuwiran ng tutol sa pagbubukas ng mga sinehan ay hindi rin daw naman dadayuhin ng mga manonood ang sinehan. Maram pa rin daw ang natatakot lumabas para manood ng pelikula sa mga sinehan.
Kung mahilig ka naman daw manood ay nandiyan ang Netflix na kahit anong oras at araw ay puwede kang makapanood ng iba`t ibang movies.
Pero ayon naman kay FDCP Chair Liza Dino-Seguerra, magri-react out sila sa mga mayor para sa mas malakas na campaign sa safe movie-watching.
Well, sang-ayon ang ilang netizens sa hangarin ni Chairperson Liza na mapasigla muli ang movie industry. Pero dapat din daw isaalang-alang ang kapakanan ng mga kababayan natin sa pandemic.
Kayo pabor ba oo hindi sa pagbubukas ng mga sinehan?
***
BUKOD sa naghahanda na ang producer ng first movie team-up nina Alden Richards at Bea Alonzo ay pinaghahandaan na rin ng dalawa ang nalalapit na lock-in shoot ng movie nilang A Moment to Remember na based sa isang Japanese movie na inilabas noong 2001 at ginawa namang Korean drama noong 2004.
Ayaw panoorin ni Bea ang dalawang version ng movie at sa halip ay nag-request kung puwedeng mabasa muna ang script at makausap din sina direk Nuel Nuval at Alden para alamin kung paano nila isasalin ito sa Pinoy version.
Katuwiran ni Bea kaya ayaw niyang panoorin ang dalawang version ng movie ay para maiwasan daw niyang maging copycat, yung ganoon din ang acting ng mga naunang gumanap sa character na gagampanan.
Ang A Moment to Remember ay istorya ng mag-asawa na ang wife ay na-diagnose na may early sign ng Alzheimer`s disease na joint venture ng Viva Films, APT Entertainment at GMA Pictures.
Wala pang playdate ang movie na isu-shoot ng Marso dahil may gagawin pang teleserye si Alden sa Kapuso Network. Samantalang si Bea naman ay gagawin ang movie na pagtatambalan muli nila ni John Lloyd Cruz under Star Cinema.