Advertisers

Advertisers

Bonggang b-day gift… Heart inilabas ang digital billboard sa New York

0 256

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BUKOD sa kaliwa’t kanang birthday greetings na natanggap, mas pinabongga pa ang ika-36 na kaarawan ng Kapuso star na si Heart Evangelista nang ilabas sa Times Square sa New York City ang kanyang panibagong digital billboard sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Isang malaking sorpresa ito para sa aktres na agad niyang ibinahagi sa kanyang mga fans at followers sa isang Instagram post, “What??! What a bday! My second billboard is up on Times Square!!! So grateful!”



Masayang ipinagdiwang ni Heart ang birthday kasama ang asawang si Gov. Chiz Escudero at malalapit na kaibigan.

Samantala, excited na rin ang mga fans sa pagbabalik ni Heart sa TV via the upcoming series ‘I Left My Heart in Sorsogon.’

***

Pilot episode ng Game of the Gens, pinag-usapan online

UNANG episode pa lang ng all-original comedy game show na Game of the Gens (GOTG) sa GMA News TV ay ramdam na ang mainit na pagtanggap ng mga manonood at netizens.



Kapansin-pansin ang magandang rapport ng GOTG hosts na sina Sef Cadayona at Andre Paras kaya naman umani ng papuri ang kanilang hosting skills. Marami ring nag-enjoy sa konsepto ng programa na para sa lahat ng henerasyon.

Post ni @joshdump, “Andre and Sef‘s hosting skills    #GameOfTheGens.”

Ayon naman sa Twitter user na si @for__keeps, “It’s refreshing to see a game show now that caters to folks of varied generations coupled with a lot of fun, nostalgia at anlakas makabata! More power and best of luck to the staff and crew! #GameOfTheGens”

Todo rin ang suporta ng Kapuso stars sa new show na ito nina Sef at Andre. Maski ang ina ni Andre na si Jackie Forster ay nagpahayag ng suporta sa proyekto ng anak via social media.

Kung G na G kayo sa kulitan at amazing trivia, tumutok lang sa Game of the Gens tuwing Linggo, 7:45 PM, sa GMA News TV.

***

Prima Donnas stars, ibinahagi ang memorable experiences nila sa set

Sa huling linggo ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas,’ muling binalikan ng cast na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo ang ilan sa hindi nila malilimutang karanasan habang ginagawa ang serye.

Sa kanilang virtual grand finale reunion nitong Biyernes (February 12), taos-pusong pasasalamat ang ipinahatid ng Prima Donnas stars sa kanilang supporters at avid viewers na talaga namang sinubaybayan ang serye mula umpisa hanggang sa huli.

Sinariwa naman ng teen stars na sina Jillian, Elijah, at Althea ang ilan sa memorable experiences nila sa Prima Donnas.

Ayon kay Elijah, “For me, lahat naman po ng experience ko with Prima Donnas is memorable. Lahat po ng kwentuhan, asaran, lessons, testimonies, hinding-hindi ko po makakalimutan lahat.”

Hindi naman makalilimutan ni Jillian ang mga unang araw niya ng taping, “Lahat po! Pero hindi ko makakalimutan ‘yung first taping days ko po, katulad nung nilock po si Mayi sa kulungan ng baboy or ‘yung fruit salad fight namin ni Brianna.”

Ang pagdiriwang naman ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang Prima Donnas co-stars ang isa sa memorable experiences ni Althea, “Dalawang beses na ako nakapag-celebrate ng birthday ko na kasama ang Prima Donnas family kaya sana next year ulit sila pa rin ang kasama ko.”

Samantala, ‘wag palampasin ang kapana-panabik na pagtatapos ng Prima Donnas ngayong Biyernes (February 19) sa GMA-7.