Advertisers
UMALMA ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa hakbang ng Department of Agrarian Reform (DAR) na isama o ipabilang sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP’s) beneficiaries ang mga retiree’s.
Ayon sa isang pahinang press statement sinabi ng KMP na hindi umano pinapayagan na legal na ang kalihim ay magsagawa ng expansion ng CARP’s coverage.
“What power does DAR Secretary John Castriciones have to expand the coverage of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) to include DAR retirees? While farmers have been waiting for decades for the resolution of their land cases, Castriciones acts like a land custodian giving away land out of whim,” ayon kay KMP national chairperson Danilo Ramos.
Samantala kaugnay nito ayon pa sa KMP nitong nakalipas na Pebrero 9, 2021 dakong alas 8:00 ng umaga ang mga empleyado ng San Jose Del Monte City Hall kasama ang MBB Security at PNP ng Bulacan ay dinimolis ang apat na bahay sa Purok 4, Barangay Paradise 3, San Jose Del Monte City na kabilang sa ipinamahaging lupang sakahan ng DAR para sa mga magsasaka.
Nabatid pa sa KMP nitong nakalipas na 2015 ang Department of Agrarian Reform ang nag-isyu ng Notice of Coverage para sa 15-hectare land occupied ng tatlong pamilya, subalit binaligtad umano ito ng DAR Bulacan Provicial Agrarian Reform ang desisyon na pumapabor sa mga magsasaka.
Kaugnay nito samantala sa panig ng DAR sinabi naman ni Atty. Luis Meinrado Pangulayan Undersecretary for Legal Affairs Office ng DAR na ang pagpapabilang sa mga retirees sa CARP’s ay nakasaad umano sa batas at naaayon sa legal.
Sa isang cellphone interbyu sinabi ni Pangulayan na ang naturang hakbang ay nakapa loob sa R.A. 6657 sec. 40, paragraph 6 and 7 na mas kilala sa Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) ang pamamahagi ng pribadong lupa para sa pampublikong agricultural land.
“Katunayan hindi lamang mga retirees ang binigyan ng lupa ng DAR maging ang ibang sector gaya ng manggagawang bukid at mga nagtapos ng kursong agriculture” ani pa ni Pangulayan.
Sinabi pa ng opisyal ng DAR (Pangulayan) bilang katunayan nito hindi lamang ang mga retirees ang kanilang binibigyan ng lupa maging ang mga nagtapos ng kursong agricultural at iba pang sector ay binibigyan din ng lupa na kanilang sasakahin bilang pagsunod sa batas ng R.A. 6657 pagtatapos pa nito.(Boy Celario)