Daniel mas takot sa gagamba kaysa labs na si Kathryn; Gerald at Julia nagpahaging, type na mag-asawa
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAG-road trip nga ba ang couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at napadaan sa resort ni Zanjoe Marudo.
Matagal na rin kasi ang pagkakaibigan nina Zanjoe at Daniel kaya ‘di na kataka-taka na ganun sila ka-close.
Sa upload video ng vlog nina Zanjoe at Hyubs ay bisita nila ang KathNiel.
Ang paksa ay kung kanino ba takot si Daniel– sa gf ba o sa gagamba.
Nag-isip at hindi muna sumagot kaya si Kathryn na ang sumagot na hindi na raw masyadong takot si Daniel sa gagamba.
Pero si Daniel na nagpaliwanag na marami na anya siyang napagdaanan at ang takot nga raw sa gagamba ay nalagpasan na niya.
Nagtapang-tapangan si DJ na kailangan na magpakatatag at pag may gagamba nga raw makita si Kathryn eh siya pa rin ang tatawagin. Pero hula ng mga netizen, nagpapakatatag lang daw ang aktor at ayaw ipakita sa gf ang pagkatakot nito sa gagamba.
Noon pa naman kasi eh talagang ipinagwawagwagan ni Daniel na takot talaga siya sa gagamba.
Naging masaya ang vlog ni Zanjoe tungkol sa pagiging matatakutin ni Daniel sa nasabing insekto.
***
TILA nag-usap sina Julia Barretto at Gerald Anderson tungkol sa usaping pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. Una na ngang nagbigay pahayag si Julia na gusto na nitong mag-asawa at habang bata pa ay gusto na raw niyang magkaanak.
Katuwiran ng aktres ay gusto nito na makita ang mabilis na paglaki ng magiging anak kung mag-aasawa nang maaga.
Pero sa panayam sa YT channel kay Gerald ay tila nagtugma sila ni Julia ng mga kagustuhan na type na mag-asawa at magkaroon ng anak.
Ayon sa aktor, ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak ay panibagong chapter ng buhay ng bawa’t isa sa ating mga Pinoy.
Kaya napataas ang kilay ng netizens dahil tugmang-tugma ang kanilang mga gusto sa buhay.
Pero till now eh puro pahaging at wala pa rin diretsong pag-amin ang dalawa kung sila na ba talaga.
Well, well, well…’Yun na!