Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MAY P176 million ang budget na ibinigay sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa taong 2021. Pero ayon kay Chairperson Liza Dino-Seguerra, binawasan ang budget nila ng P23M dahil sa pandemya.
Inamin ito ni Chairperson Liza sa ginanap na zoomference para sa Film Ambassador Night on Feb. 28 ng gabi. Mula sa initial na approved budget na P194-M, ginawa itong P173-M na lang.
Paliwanag ni Chairperson Liza, quarterly ang paghingi nila ng money mula sa kabuuang budget. Maghahain sila ng breakdown ng mga project na kailangang gastusan at saka nila isusumite.
Hindi na raw magawang magreklamo ni Chair Liza kahit maliit lang ang budget nila dahil alam niyang may ibang mas mahalagang priority ang gobyerno.
Ang ginagawa ng FDCP ay bumabawi sa paghingi ng pera sa mga ahensiyang tulad ng DOH at CHED sa pamamagitan ng paggawa ng mga film na may kinalaman sa nag-sponsor na ahensiya ng gobyerno.
Samantalang ang ilang pararangalan sa FDCP para sa Gabay ng Industriya award ay sina Gloria Romero at Romy Vitug. Bibigyan ng cash incentives na P30K at P50K ang ilang mapalad ng awardees base sa kanilang kategorya.
Mapapanood ang FAN nang live virtually sa www.fdcpchannel.ph.
***
Last February 17, naglabas ng statement ang GMA network kaugnay ng kumakalat na balita sa social media na namatay na umano si Michael V.
“GMA wishes to clarify that it did not produce a post saying that Michael V has died.
“Link of the post, which may be spreading on social media and messaging apps, make unauthorized use of GMA logo.
“We also ask people to refrain from sharing the post which we have reported to social media platform. We urged people to follow our official account @GMANews on social media channels for latest news and updates,” nakasaad sa statement.