Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NABABATIKOS ang Broadway Diva ng ilang kate-katera sa umano’y taste niya ngayon pagdating sa music.
Hindi kasi ikinakaila ni Lea Salonga na big fan siya ng K-Pop group na BTS.
Sa kanyang social media account, nagkaroon ng pagkakataong maka-bonding ng singer-actress ang kanyang mga faney na nagbato ang mga ito ng ilang katanungan sa Tony award-winning actress.
Ayon kay Lea, ang mga paborito niyang kanta ng BTS ay ang ON, BS&T, Dynamite, at Blue & Grey.
Sa nasabing session, nagpayo rin ang “The Voice” coach kung paano maging magaling at confident na singer.
Pinatunayan din ni Lea na walang age limit ang pagiging isang fangirl.
Sinabi rin niya na kung papipiliin siya ng isang K-pop group na pwede niyang pakinggan buong buhay niya, iyon ay ang BTS.
“So far, it’s been a lot of fun! I’ve connected with a couple of other fangirls close to my age, and we have a great appreciation for their talent. Like we’re proud aunties!,” sey ng 49-year-old international performer.
Tinanong din siya kung paano niya nakilala ang grupo at sinagot niyang nakita niya itong nag-perform sa TV ng “DNA”.
Noong una raw ay hindi siya nadala pero noong nakita niya nang mag-perform sila ng “Dynamite” ay doon na siya naging fan ng mga ito.
Humanga rin siya sa music videos ng grupo kung saan nagbi-break dance ang mga ito.
Dagdag pa niya, malakas din daw ang dating ng bawat miyembro ng grupo na dumadagdag sa angas ng awitin nila.
Si Lea ay huling napanood bilang judge ng The Voice Kids.
Nagkaroon din siya ng special participation sa Hollywood movie na “Yellow Rose” kasama sina Eva Noblezada at Princess Punzalan.