Advertisers
Ni WALLY PERALTA
TILA no stopping now para kay John Lloyd Cruz sa pagbabalik niya sa showbiz matapos ang ilang taon na ‘paglayo’ sa industriyang kinasikatan.
Sa ilang taon ding pananahimik ni John Lloyd sa pag-aartista ay maraming naging kaganapan na tila magpapabago sa showbiz karir ng aktor sa kanyang pagbabalik. Isa na rito ang pagkawala sa ere ng Kapamilya Network na nag-alaga sa kanyang career gayundin ang Star Cinema na gumagawa ng magagandang pelikula para sa aktor.
Marami tuloy ang nagsasabing mahihirapan nang ibalik ni John Lloyd ang dati niyang kasikatan lalo pa ngayong marami nang baguhan ang unti-unti na ring gumagawa ng pangalan sa industriya.
Para kay Lloydie, ay okey lang daw na maraming baguhan at sa katunayan pa nga ay feel niyang sa mga susunod na gagawing projects ay makakasama ang mga baguhang aktor.
“Marami pa akong gustong makatrabaho. Masarap magtuluy-tuloy sa trabaho dahil marami pang pagkakataon. I was told about new talents who have lots of potential I don’t want to miss that!”
Sa ngayon ay katatapos lang gawin ni John Lloyd ang pelikulang “Servando Magdamag” sa direksyon ni Lav Diaz at screenplay ni Ricky Lee.
***
YSABEL ORTEGA NA-PRANK SA NAKUHANG ROLE SA V5 LEGACY
BAGO pa man ilahad ng Kapuso Nework ang official cast na gaganap sa pinakakahintay na Live Action Serye ngayong taon na ‘”Votles 5: The Legacy,” ay maraming pangalan ng Kapuso actors ang lumutang, lalo na sa kung sino ang gaganap bilang Jamie Robinson.
Marami ang nag-akalang nakuha na ito ni Myrtle Sarrosa pero nang ilabas ang listahan, ang bumulaga ay pangalan ni Ysabel Ortega na nakakuha ng nasabing role.
Say ni Ysabel, natulala raw ang kanyang byuti nang malaman niyang siya ang napili. Kuwento pa ng young actress, sabi raw kasi ng direktor ng naturang Live Serye na si direk Mark Reyes ay pinatawag daw siya ulit nito dahil sa nagkaroon daw ng problema sa ginawa niyang audition para sa role ni Jamie Robinson.
Kabado man, humarap si Ysabel sa kanilang direktor at nilakasan na lang niya ang loob sa kung ano ang sasabihin nito. Kaya nga ganun na lang ang saya niya at natulala nang sabihin na siya ang napili.
“We have a problem kasi you didn’t do well in the audition.”
“But you did very well. Congratulations you are now Jamie Robinson,” katagang binitawan ni direk Mark kay Ysabel.