Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
THANKFUL si Zara Lopez na mapabilang sa Book-2 ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ng Net25.
Ito ang unang project ng dating member ng Viva Hot Babe, mula nang nagkaroon ng pandemic at labis ang pasasalamat niya sa Net25.
“Sobrang thankful po ako sa Net25, kasi po ang purpose rin po nila is makatulong sa ibang artista na naapektuhan ng pandemic.
“Nakakatuwa po, kasi mas iniisip nilang makatulong at yung kapakanan ng tao sa paligid. Sobrang grateful po ako at binigyan nila ako ng pagkakataon sa project na ito, thankful po ako at naa-appreciate nila yung ipinakita kong pag-arte rito.”
Dagdag pa ni Zara, “Napakasarap po ng pakiramdam na mayroong network na nagbukas ng pinto para sa aming mga artista na nawalan ng trabaho. Napakalaking tulong po para sa lahat yung trabaho na naibibigay nila.
“Sobrang bait ng staff and directors, ang gagaan katrabaho. And super happy ako kasi naa-appreciate nila yung acting ko. For the first time po, na-recognize din yung pag-arte ko. And I did my best, hehehe. Nakakataba po ng puso,” aniya pa.
Bukod sa bagong teleserye, nag-renew din ng kontrata si Zara sa Relumins.
Saad ni Zara, “Sobrang masaya po ako kasi sa four years ko po sa kanila, patuloy pa rin po nila akong pinagkakatiwalaan na maging endorser. Hindi lang po kasi basta endorser nila, they treat me as a family talaga. Iyon po yung mas nagpapatibay ng relationship namin. ‘Di lang po ito basta trabaho, mahal ko rin po yung Relumins family.
“Ang magandang effect niya is nakaka-glow ng skin at the same time, I’m 36 and kailangan natin ng collagen sa katawan para mas magmukhang bata or di agad magmukhang matured. Mayroon din different kinds of vitamins like Vitamin C, Resveratrol, Immune boost para sa good health naman po lalo ngayong pandemic na mas need natin palakasin ang ating immune system. I’m using glutathione din for whitening ng skin naman po, we need to take care of ourselves inside and out.”
***
5th Film Ambassadors’ Night ng FDCP kasado na sa Feb. 28
GAGANAPIN ang taunang Film Ambassador’s Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Feb. 28 upang magbigay pugay sa galing at creativity ng Filipino film industry, mga artista, filmmakers, at mga nakakuha ng parangal sa established international film festivals at award-giving bodies sa nakalipas na taon.
Kabilang sa honorees at awardees sa 5th Film Ambassador’s Night sina Dingdong Dantes, Angel Locsin, Alden Richards, Arjo Atayde, Gloria Romero, Cristine Reyes, Ruby Ruiz, Elijah Canlas, Louise Abuel, Lovi Poe, Allen Dizon, Isabel Sandoval, Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino, Ronwaldo Martin, at iba pa.
Nagpasalamat si FDCP Chair Liza Diño lalo sa mga filmmakers and actors na nakapag-uwi ng international victories at nagbigay ng pride and honor sa ating bansa. “Through Film Ambassadors’ Night (FAN) ay mabibigyan natin ng appreciation ang film producers na nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng internationally acclaimed and award winning films na ipinakita natin sa buong mundo,” wika ni Chair Liza.
Gaganapin ang online awarding nito via livestream sa FDCP Channel.