Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG iba nga raw mga nanay ay namomroblema sa pagkakaroon nila ng gatas para maipadede sa baby, ibahin nga raw si Marian Rivera sa ibang breastfeeding mother.
Sa kabila nga raw na 2 years old na si Ziggy ay breast feeding pa rin ito kaya naman marami na mommy na netizens ang bumilib kay Marian.
Sa kabila na dalawang taon na ang kapatid ni Zia na si Ziggy ay kay Marian pa rito ito dumedede.
Kaya napa-wow ang mga mom na netizens dahil sagana pa rin daw sa gatas si Marian.
***
PANSIN ng netizens na tila ang lahat ng naging dyowaers ni Angelica Panganiban ay nasasalo ni Ellen Adarna.
Ang dating ex-bf kasi ni Angelica na si John Lloyd Cruz ay naging karelasyon ng aktres at nagkaroon pa ng anak na si Elias pero nauwi rin sa hiwalayan.
Isa pa rin ngang naging bf ni Angelica na matagal niyang kasintahan na si Derek Ramsay ay tila nali-link din kay Ellen ngayon.
Sa mga posted pics nito sa kanilang socmed ay lagi silang magkasama kahit saang lakaran.
Pero wala naman pag-amin na sila na nga dahil sa dalas ng kanilang pagsasama.
Kaya naman ayon sa netizens ay tila lahat ng mga naging ex ni Angelica ay napupunta kay Ellen.
Kaya naman may isa pang ex-dyowa si Angelica, si Carlo Aquino kaya nangangamba naman ang netizens na ma-link din ito kay Ellen.
Pinag-iingat ng netizens si Carlo na ma-link din ito kay Ellen at maakit sa kanyang alindog aba, pag nagkataon daw eh namumuro na si Ellen kay Angelica.
Well, well, well…’Yun na!