Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
NOONG mid-2000 ay hindi matatawaran ang kasikatan ng awiting “Pusong Bato” na kinompos at kinanta ni Rene “Alon” Dela Rosa na minu-minuto ay madidinig na pinapatugtog sa FM Stations at tumagal ng tatlong taon ang popularity ng Pusong Bato.
Ni-revived rin ito ni Jovit Baldivino noong 2013. Ngayon, ang kaibigan naman ni Rene na si Liza Javier ang ginawan niya ng magandang Tagalog love song entitled “Sayang Lang” na dahil sa ganda ng lyrics, melody at pagkakanta o recording ni Ms. Liza ay may recall agad. Kilalang social media personality ang Deejay Musician na si Liza na maraming kaibigang deejay at todo ang suporta ng mga ito sa kanyang first single na Sayang Lang.
Yes, kaliwa’t kanan ang guesting ng nasabing singer-businesswoman at via zoom lahat ng kanyang interviews sa Japan na napanood sa buong mundo. At ‘yung song niya ay most requested na kanta na sa ilang FM Stations sa Japan kaya very thankful si Liza sa lahat ng fans na sumusuporta sa kanya also sa mga nagpe-play nito na sina Gee Lagak Agustin ng Barkadahan Sa Barangay Live Online sa GIPPSLAND FM o barkadahan 4ever FM na host din si Liza kasama ang Executive Producer and Director na si Fred Jover.
Pasalamat din nito kina DJ Dang ng Kiss Kilig FM, at DJ Master Owell of Rainbow 107.1 FM. Malaki rin ang pasasalamat ni Liza sa longtime good friend na si Rene sa pagbibigay nito ng pagkakataon sa kanya para matupad ang biggest dream niya sa kanyang career para maging isang recording artist.
Happy rin si Liza sa outcome ng kanyang online business na beauty products na Ruby-Cell at Riway na dalawang kilalang brand sa Japan na ginagamit ng mga celebrity roon at syempre ni Liza kaya lalo itong gumaganda. Isa ring ALT English Teacher at Interpreter sa Japan ang said singer na bihasa sa Japanese.
***
JC Garcia Excited At Handang-Handa Na Sa Solo TV Show
Feeling excited and blessed ang Fil-Am Recording Artist-Dancer na si JC Garcia at level-up na ang career sa nalalapit na pag-ere ng kanyang solong TV show sa ATC USA, the worlds first Multitracial & Multilingual Online TV na kukunan sa Daly City, California at mapapanood simulcast ang show na ito ni JC sa Pinas sa CTV-31.
Flattered ang kaibigan naming singer dahil may mga pangalan ang ilan sa talents ng ATC Wordlwide na kinabibilangan ng Pinoy band na JEREMIAH na naging popular noong late 90’s at ang well-known talk show host na si Rico Mangram.
Syempre, hindi rin naman pahuhuli si JC, at may sarili rin siyang pangalan. Saka sa dinami-rami ng magagaling na host sa abroad ay siya ang naging choice ng Chicago producer na inalok nga siya na mag-host sa television. Samantala, nais pa lang pasalamatan ni JC ang bubuo sa kanyang team para sa gagawing show, sina Eileen Love Lady In Red (Manager and Producer), Direk Tito Nel Talavera, Michael Miko Villanueva (ATC Marketer), Direk Erwina Arguelles, Direk Byed Oilicec, at Direk William Mayo.
“I’m blessed sa magandang opportunity na ito na dumating sa buhay ko. And isa lang ang ipinapangako ko, ang ma-entertain ang ating mga kababayan na lahat ay apektado ng pandemic.
“That’s my number one goal, ang mapasaya ko ang manonood ng aking TV show na kukunan dito sa Daly City, California,” sey pa ni JC nang aming siyang maka-chat recently.