Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
“WE’RE in full support of the reopening of the cinemas because, you know, the film industry is the hardest hit, one of the hardest hit, because of the pandemic.”
Ito ang pahayag bilang pagsang-ayon ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman Liza Diño-Seguerra tungkol sa napipintong pagbubukas ng mga sinehan ngayong Marso.
Sang-ayon din si Chair Liza sa mga iminungkahing health protocol ni Dr.Eric Tayag ng Department of Health gaya ng hindi pagtatanggal ng face mask habang nanonood ng sine, ang hindi pagkain sa loob ng sinehan, huwag punuin ang sinehan, huwag tumanggap ng tawag sa telepono habang nasa loob ng sinehan, at huwag gumamit ng banyo para makaiwas sa coronavirus.
Ayon pa kay Chair Liza…
“We always defer to what the government would recommend. At this point ang importante lang is for us to start.
“We fully understand that we need to be conservative with the protocols because other countries actually, medyo lumuwag na yung restrictions, but it has to start somewhere.”
Sa kabila ng pagtutol ng iba, mayroon namang mga pabor na buksan na ang mga sinehan kahit na gawing limitado ang seating capacity upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Naniniwala si Chair Liza na makatutulong sa muling pagbangon ng industriya ng pelikula ang muling pagbubukas ng mga sinehan.
“At the end of the day, it will always be the choice of our moviegoers. In the same way that when restaurants opened, hindi naman din naging full capacity agad.
“All of the concerns are valid you know, the pandemic is still here,” sinabi pa ni Liza.
Samantala, idinaos na kagabi ang taunang Film Ambassador’s Night (FAN) ng FDCP na mapapanood via live streaming sa FDCP Channel.
May animnapung alagad ng sining ng pelikula ang binigyan ng kaukulang parangal.
Ang ilan sa mga ito ay sina Dingdong Dantes, Alden Richards, Angel Locsin, Arjo Atayde, Cristine Reyes, Ruby Ruiz, Elijah Canlas, Louise Abuel, Lovi Poe, Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino, Isabel Sandoval, Allen Dizon, Ronwaldo Martin, at iba pa.
Ang FAN ay isinasagawa ng FDCP upang magbigay pugay sa galing at creativity ng Filipino film industry, mga artista, filmmakers, at mga nakakuha ng parangal sa established international film festivals at award-giving bodies sa nakalipas na taon.
Labis naman ang pasasalamat ni Chair Liza sa mga filmmaker na nakapag-uwi at patuloy na nakapag-uuwi ng international victories at nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.
“Through the Film Ambassadors’ Night ay mabibigyan natin ng appreciation ang film producers na nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng internationally acclaimed and award-winning films na ipinakita natin sa buong mundo.”
Ito ang unang engrandeng selebrasyon ng FDCP ngayong 2021 kaya talagang pinaghahandaan nila ito ayon na rin mismo kay Chair Liza.
“Talagang pinaghandaan po namin ito para maging espesyal ang event for our honorees. Ito po ang unang major event ng FDCP for 2021, so let’s all unite. I-celebrate po natin ang mga magandang nangyari sa 2020 sa kabila ng pandemya.
“Nakaka-proud lang na nakakita kami ng increase sa mga actors and movies na nananalo sa international film festivals. Dati paisa-isa, ngayon marami na ang nananalo,” pahayag pa ng masipag na FDCP head.