Advertisers

Advertisers

Heart nagtapat, nilalayasan si Chiz ‘pag nagtatalo; Andrea tinawanan ang relasyong Derek at Ellen

0 238

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAGANDA ang ginagawa ni Heart Evangelista kapag nagtatalo sila ni Gov. Chiz Escudero.

Alam naman ng aktres na paminsan-minsan ay meron talagang pinagtatalunan ang mag-asawa na kasama na sa buhay.



Hindi ikinaila ni Heart na may mga bagay din sila na ‘di pinagkakaintindihan ni Chiz.

Dahilan para humantong ito sa debate o pagtatalo.

At hayagan namang sinabi ni Heart na true na kapag nagdedebate na sila ng mister ay nilalayasan na ito at lumalayo na siya.

Knows naman kasi ni Heart na wala siyang panama kung debatehan din lang ang pag- uusapan dahil sanay ang mister nito.

***



AYAW na nga magbigay pa ng komento si Andrea Torres, ang ex ni Derek Ramsay sa nakarating sa kanya ang pag-amin nila ni Ellen Adarna.

No comment at tawa nga lang nang tawa si Andrea sa napabalitang enjoy sina Ellen at Derek pag sila ay magkasama.

Kahit nga ang mga netizen ay naloka rin sa reaksyon ni Andrea na tawa lang nang tawa.

Basta siya ay busy sa work at pokus sa lalo pa siyang gumanda at sumeksi.

Ayaw na magkomento ni Andrea na hinangaan ng netizens na for sure may mga parunggit ito sa ex at kay Ellen.

For sure naka-move on na si Andrea sa past relationship with Derek at ipinasa-Diyos na lang nito ang ex at si Ellen.

Well, well, well…’Yun na!