Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
AFTER leaving Star Magic, maraming naka-line up na proyekto kay Bea Alonzo as in mukhang fully booked na this year ang maganda at mahusay na actress na alaga ngayon ni Madam Shirley Kuan.
Mauunang gawin ni Bea ang movie nila ni Alden Richards na “A Moment To Remember na nakatakdang idirek ni Nuel Naval. Sumailalim na sila ni Alden ng acting workshop kay Nonie Buenacamino at start na ang lock-in shooting ng dalawa ngayong March.
May dalawang movies pa si Bea sa Reality Entertainment ni Dondon Monteverde na “Birkin Scam” na hango sa tunay na buhay at reunion movie with John Lloyd Cruz na ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina ang magdi-direk.
Yes, kahit wala nang kontrata si Bea sa Kapamilya network ay welcome pa rin siyang gumawa ng proyekto rito especially movies. Ilang bagong endorsements din ang gagawin ni Bea na soon ay isa-isang isu-shoot ng actress.
Samantala, hindi lang pala sa Pinas ang mga fans ni Bea, napakalawak pala ng fan base nito. Sa katunayan isa sa umiidolo kay Bea na siya ang itinuturing na top actress ay ang bago naming friend from Ireland na si Ma. Victoria Latimer na madalas manood ng aming solo vlog na “Chika Mo Vlog Kabog” under my Youtube channel na PPA Entertainment Network at very supportive ito sa amin.
Para kay Ma. Victoria ay wala nang tatalo kay Bea sa kanyang henerasyon at puring-puri nito ang kabaitan ng dalaga sa kanyang pamilya lalo na sa mother nito na si Mary Ann, na binigyan niya ng malawak na farm sa Zambales.
Wish ni Ma. Victoria na sana in the future ay makapag-shoot naman daw ng movie sa Ireland si Bea at pagmamasdan daw talaga niya ito ng buong ningning at magpapakuha siya ng picture na magiging remembrance niya sa iniidolong artista.
Halos lahat ng movies and teleseryes ni Bea sa ABS-CBN ay pinanood ng new found friend naming ito na ubod ng bait.
***
Manager Ng Financing Company Na Si Tina Imperio, May Bago Na Namang Negosyo
Tuluy-tuloy na at pinanindigan na talaga ng friend namin na si Tina Imperio ang pagiging entrepreneur.
Hayan at matagumpay na ang kanilang PEANUT TELLA from Bash and Mary na hindi lang pala dito sa Pinas mina-market kundi sa abroad din. Ang angat ng peanut butter business ni Ms. Tina sa ibang brand ay homemade pure peanut butter smooth, sweet, and little salty-this local nut spread is made from all natural ingredients. The PM spread is almost decadent, which you can add to your ready-to-eat snack stash.
And happy ang nasabing amiga (Imperio) ni Claire dela Fuente at umabot na sa 3,580 ang followers and likers nila sa kanilang Bash and Mary’s Peanut Tella Pure Peanut Butter Official Page.
By the way, may bagong business si Ms. Tina na ilo-launch soon, ang Two Mary Sand Company na all about Home, Life, and Style. Pwede n’yong bisitahin at i-follow ang kanilang Official Page na @twomarysandco. Bukod sa kanyang mga negosyo ay may magandang trabaho si Ms. Tina sa Esquire Financing sa The Fort, at matagal na siya rito bilang manager ng company.