Advertisers

Advertisers

Lloydie walang paki sa romansang Ellen at Derek

0 197

Advertisers

Ni JULIET PACOT

WALANG  pakialam si John Lloyd Cruz kahit aminin pa nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na isang  buwan na ang kanilang relasyon.

Ito ang sagot ni John Lloyd sa mapag-usisang netizen kung ano ba ang kanyang “feelings” sa isiniwalat ng dalawa na tuloy ang ligaya dahil pareho nilang natagpuan ang mga sarili sa isa’t isa.



Sa naging komento ng ilang tsismosang netizens, bagay lang daw sina Derek at Ellen dahil pareho silang “pakawala” sa larangan ng pag-ibig.

Tila nabigyan naman ng kulay ang pagpapagupit  ni Lloydie mula sa  mahaba at kulot na buhok noong nagpahinga sa showbusiness, na tila nagtaboy raw ito ng malas sa pamamagitan ng pagpapagupit.

Ito’y kaugnay sa naging post ng kanyang Facebook administrator na ang caption sa larawan nito na clean cut hairstyle na siya ay “Choose to be happy.”

Wala raw koneksyon ang gupit sa ginawang pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon.

Dalawang taong naging magkasintahan sina Lloydie at Ellen na nagbunga ng ngayo’y dalawang taon na rin nilang anak na lalaki.



Para sa aktor, bihira siyang maglabas ng saloobin, pero sa ngayon nakatutok umano siya sa kanyang 2-year-old son na si Elias na nagsilbing dahilan nito para sa pagkakaroon ng bagong buhay.