Para ‘di maintriga… Angelica iwas-ibalandra ang bagong lovelife sa socmed; Sarah dinenay na tatalon na ng ibang network
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MATAGAL nang hindi nasisilayan ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo sa ASAP kaya naman napaisip ang netizens na baka lilipat na ito ng network.
Pero mismong ang humahawak sa career ni Sarah na Viva ay pinabulaanan ang nagkalat na tsika.
Wala raw katotohanan na sasampa sa TV5 at GMA-7 si Sarah at nilinaw din ni Boss Vic del Rosario na hindi siya ang magho-host sa bagong talent search ng TV5 na POPINOY.
Naging endorser lang daw si Sarah sa bagong talent search show ng TV5 at maliban dun ay wala na.
Kinumpirma rin na ‘di lalayasan ni Sarah ang Kapamilya network at mananatili siya dito.
Malapit na rin daw itong makita sa ASAP na na-miss na ng Popstersna makita ang idolo sa Sunday show ng Dos.
***
KUNG dati raw ay super post si Angelica Panganiban ng lahat ng nangyayari sa kanyang buhay at lovelife sa socmed kaya naman ang mga lumipas na relasyon nito ay alam ng lahat.
This time naman daw eh gusto ni Angelica na ang non-showbiz bf nito na si Gregg Homan ay ayaw nito ibandera sa kanyang socmed.
Nagpasya si Angelica na hindi muna siya magpo-post ng kahit anong magkasama sila ng dyowa.
This time eh gusto ni Angelica na maging pribado ang kanyang lovelife at ayaw na muna nito ipangalandakan ang kanilang kilos at galaw para iwas tsika at bash.
Well, well, well…’Yun na!