Advertisers

Advertisers

Vin at Sophie malapit na maging parents kaya level-up na ang relasyon

0 232

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

IBANG klase talaga si Ellen Adarna pagdating sa pakikipagrelasyon, magugulat na lang ang lahat na dyowa na pala niya ang lalakeng inaasahan na kaibigan lang niya. Ang mas ikinagugulat ng mga netizen ay kung anu-anong kabaliwan na larawan/video ang pinopost niya kasama ang boypren sa kanyang social media account. O di nga ba, noon bago palang sila ni John Lloyd Cruz na nagsama at lumayo sa showbiz ay nag-post si Ellen ng mga kabaliwan nila ni Lloydie.

Ngayon naman na inamin na nina Ellen at Derek Ramsay na mayroon na nga silang relasyon after almost a month na pagsasama, panay na rin ang post ni Ellen ng mga larawan nila ni Derek na magkasama.



Hindi naman lahat ay natutuwa sa kaligayahan ni Ellen, mayroon din siyang mga basher na naiinis sa kanyang kabaliwan at nagsasabing bad infuence ang aktres  sa mga kabataan.

Pero imbes na maasar sa pag-aakusa sa kanya ay sinermonan pa ni Ellen ang mga basher.

“Yet you follow me, judge me and allow your mind to be exposed to our influence. Whose choice is that now? Shouldn’t you be protecting yourself and your peace?,” ani Ellen.

O di ba,  basag ang trip ng bashers sa resbak ng isang bad infuencer daw.

***



HABANG on the rocks ang buhay mag-asawa nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, kabaligtaran naman ito ng relasyon ngayon ng kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica na expectant father courtesy of his fiancee na si Sophie Albert.

Kasabay halos ng  pag-anunsiyo ng dalawa na nagsasama na sa isang bubong at ang kanilang engagement ay isiniwalat na rin ng couple na buntis na si Sophie at malapit na  silang maging magulang.

Dahil first baby nina Vin at Sophie ay marami ang nasasabik na malaman kung ano ang gender ng kanilang baby at nang lumabas na ang resulta ng ultrasound ay it’s a girl.

Say nga ng dalawa ay okey lang kahit anuman ang maging gender ng kanilang first baby, ang mahalaga ay isilang itong malusog.

Sa nang-iintrigang napakabata pa raw nina Sophie at Vin para magkaroon agad ng isang pamilya, imbes na i-enjoy na muna nila ang kanilang relasyon, say ni Vin, nasa legal age na sila pareho ng fiancee at na-enjoy na nila nang husto ang kanilang relasyon dahil 8 years na rin naman silang magsyota.

Para sa dalawa ay nais nilang i-level up na ang kanilang pagmamahalan. As in, hindi biglaan ang mga pangyayari dahil sa pinag-usapan nila itong mabuti bago magsama.