Advertisers

Advertisers

Alden-Bea movie malabong mapantayan ang kita ng tambalan kay Kathryn?

0 346

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA ngayon palang ay marami na ang humuhulang kung hindi mapantayan ang kinita ng movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye,” malaki rin ang chance na mas higitan pa ang box office return ng naturang movie nina Alden at Bea Alonzo, ang “A Moment To Remember.”

Pero may mga basher na hindi naniniwala sa hula ng mga followers nina Alden at Bea lalo pa nga sa sitwasyon ng mga sinehan sa bansa ngayon.



Kung may nagbubukas man na sinehan ay mangilan-ngilan lang  at maging virtual screening ay hindi sapat para humakot ng milyones ang kita nito at namemeligro pa na mapirata once na i-stream na ito sa online. Pag ganitong senaryo ay malamang na aabutin pa ng ilang taon bago mapantayan ang bilyones na kinita ng movie nina Alden at Kathryn.

Ayon naman sa mga producer ng movie nina Alden at Bea ay intended talaga for cinemas ang pelikula at handa raw silang mag-antay na maipalabas ito hanggang sa dumating ang oras na mag-normalize na yung cinema operations.

Ano naman kaya ang say ni Alden?

“It’s gonna be worth the wait,” sabi ng sikat na aktor.

And speaking of Alden, aminado ang aktor na may panghihinayang sa side niya na hindi natuloy ang pinaka-aantay niyang international project.



“Medyo matagal ko nang pinapangarap to do an international collab with foreign artists all over the world. Actually, hindi nga nagma-matter sa akin kung taga saan sila. Muntik sana before, may isa. Makaka-hit na sana ‘ko, kaya lang nagka-COVID so na-cancel siya,” kuwento ni Alden.

***

LOVI POE AT DINGDONG DANTES PINARANGALAN SA 5TH FILM AMBASSADORS’ NIGHT NG FDCP

SA nakaraang 5th Film Ambassadors’ Night ng Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ng Usec Liza Dino Seguerra na ginanap nitong Feb. 28, 2021 ay binigyang parangal ang dalawa sa bigating artista ng Kapuso Network na sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

Sa pagtanggap ni Dingdong ng tropeo ay buong puso niyang pinasalamatan ang mga nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang lider.

“Sobrang nakakataba po ng puso na makatanggap ng ganitong recognition.

“Na-consider ko po itong trabahong ito and, of course, His blessings, as an opportunity to reach out to others and help in transforming their lives. Kaya iyong mga humanitarian and charitable initiatives through the YES Pinoy Foundation, sa Dingdong PH, AKTOR, and my various involvements, these are humble contributions to my fellow Filipinos who have warmly embraced me and my family all throughout these years,” ani Dingdong

Samantalang si Lovi naman ay kinilala at binigyang parangal as film ambassador by the FDCP dahil sa kanyang pagiging isang magaling na aktress sa pelikulang “Latay”.

At nang matanggap na ni Lovi ang tropeo ay nagpadala siya ng isang liham na nagsasaad ng kanyang pasasalamat.

“Thank you for this recognition, FDCP. Doing our part on shedding some light to issues that aren’t discussed as much…with characters that are rarely seen on screen. ‘Latay’ hopes to raise awareness on domestic violence, particularly towards men and battered husbands.”