Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
NAGPAPASALAMAT ang magandang teen actress na si Angelika Santiago sa mga dumarating na projects sa kanya ngayon.
Low profile kasi masyado si Angelika at lately ay mas nag-focus din siya sa pagiging vlogger.
Kamakailan ay nag-guest si Angelika sa TV5’s Wanted: Ang Serye ni Raffy Tulfo para sa episode na pinamagatang Nanay Ko, Karibal Ko. Kasama ni Angelika sa naturang episode sina Matet de Leon, Alma Moreno, at Alan Paule.
Ang young actress na nakilala nang husto sa Prima Donnas ng GMA-7 ay parte rin ng forthcoming TV series na Love From The Past ng Net25 TV. Tampok dito sina Sean de Guzman, Lotlot de Leon, Lloyd Samartino, Nella Dizon, at Francis Magundayao and Claire Ruiz, mula sa pamamahala ni Joel Lamangan.
Inusisa namin si Angelika kung ano ang role niya sa seryeng mapapanood sa Net25 very soon?
Tugon ni Angelika, “Ang role ko po ay si Ellen, bale ako po ang kontrabida kay Claire Ruiz.”
Ipinahayag ni Jelay (nickname ni Angelika) na hindi niya ine-expect ang pagdating ng mga naturang project. Pero, handa raw siya sa mga challenge at itinuturing niya itong parte ng kanyang buhay-showbiz.
Lahad niya, “Nagulat po ako actually, sa totoo lang. Siyempre parang iniisip ko po na siguro nakakapagod ito, pero siyempre, since gustung-gusto ko po ang pinasok ko, kakayanin ko lahat ng pagod.”
Pahabol pa ni Angelika, “Nagpapasalamat lang po ako kay God ngayon sa mga blessing na tulad nito.”
Ano ang masasabi niya sa takbo ng kanyang career ngayon?
Esplika niya, “Okay po! Actually nakaka-proud lang po, kasi before parang extra lang ako, pero now, grabe! Parang… glow-up po ang aking career.”
Mayroon daw Book 2 ang Prima Donnas, kasali ba siya ulit dito?
“Sa Book 2 po… abangan na lang po, hehehe,” nakatawang pahayag pa ni Angelika.