Advertisers
Ni Juliet Pacot
TILA nakararamdam ng takot si Bea Alonzo na baka tumandang dalaga na siya dahil hindi natupad ang pangarap niyang maikasal sa ideal age na 28.
Ito ay matapos aminin ng aktres na hindi niya sukat akalaing napag-iwanan na siya ng mga katropa sa estado ng married life.
Sa ngayon nasa 33 taong gulang na si Bea, pero ilang taon ang lumipas matapos siyang maugnay sa iba’t ibang karelasyon, heto pa rin siya na dati ay 28 ang kanyang ideal age na maikasal.
Sa ganoong edad pangarap niya na sanang magkaroon ng sariling mga tsikiting dahil sa pag-aakalang siya ay marrying type naman.
Una nang inihayag ni Bea o Phylbert Angelli sa tunay na buhay, na iba pa rin kasi ‘yong may panghabambuhay na katuwang sa buhay at katunayan ay boring life lang ang nais nito.
Masasabing stable na ang pamilya ni Bea dahil nakabili ito ng 16 hectares na farm sa Zambales na pina-develop nilang mag-ina para doon na mamalagi kasama ang kanyang mga kapatid.
Sa kabila nito, tila hindi pa rin kuntento si Bea dahil nandun pa rin ang lungkot dahil may sariling pamilya na ang kanyang mga kaibigan, ang iba naman malapit nang ikasal.
“Lahat sila about to get married, or they have their kids. ‘Pag-iniisip ko, I wouldn’t have guessed na ako ‘yung huling mababakante. I always thought that I am the marrying type,” may panghihinayang na sambit ni Bea sa kanyang video blog.
Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula kay Bea hinggil sa romantic relationship sa aktor na si Dominic Roque.
Kabilang pa sa mga na-link kay Bea ay sina Mico Palanca, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo at Gerald Anderson.