Advertisers
NI JOVI LLOZA
SA isang online interview kay Claudine Barretto ay ramdam ng netizens ang galit at hinanakit nito kay Jodi Sta. Maria sa pakikipagrelasyon nito kay Raymart Santiago na ex-hubby niya.
Nalaman na nga lang daw ni Claudine na sila na mula sa mga post ni Jodi sa socmed na kasama na si Raymart.
Ang masakit pa kay Claudine ay ‘di naman nito sukat akalain na gagawin daw ito sa kanya ng itinuturing na kaibigan.
Naghintay pa nga si Claudine na tawagan siya ni Jodi para linawin ang relasyon nito sa ex-mister.
Pero hindi nga raw nag-effort si Jodi para tawagan si Claudine kaya ang huli na raw ang tumawag sa una para linawin ang isyu.
Nag-post si Jodi na tila patama kay Claudine habang nasa probinsiya ito at nag-post din umano si Raymart na nasa province rin kaya hula ng netizens ay magkasama ang dalawa.
Kaya tila dedma si Jodi sa parunggit ni Claudine.
***
KUNG dati ay bonggang anunsiyo ang magaganap na kasalan nina Kris Bernal at Perry Choi, tila nabago ang ihip ng hangin at naiba na ang gagawing preparasyon.
Dinahilan ng couple na dahil sa pandemya kaya nagkaroon ng pagbabago.
Kaya naman ang unang magarbong preparasyon sa kasalan nina Kris at fiance ay nabago.
Gusto nila na maging ligtas ang mga dadalo sa kanilang kasal kaya sinabi ni Kris na ‘the lesser the guests eh lesser’ din ang cost sa gagawin nilang kasal.
Well, well, well…’Yun na!