Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI na nga mapigilan pa ni Derek Ramsay ang kaligayahan ngayon lalo na’t kasama si Ellen Adarna.
Tila nabighani na ito sa sexy actress at seryosohan na si Derek sa alok na kasal kay Ellen.
Sa posted pic sa socmed ng couple ay magkasamang nakahiga sa kama sina Derek at Ellen habang nakapagitna ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias na tila sobrang close na sa aktor.
At ang nakakalokang sitsit ay niyayaya na raw ni Derek na pakasalan si Ellen na tinanggihan ng ex-dyowa ni Lloydie.
***
SUWERTE raw ang mga kasama hanggang ngayon ng long-running action serye na Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
May bulung-bulungan naman kasi na matitigok na ito sa ere.
Pero mismong ang exec ng Dos eh pinabulaanan na matitigbak na ito ngayon buwan.
Natuwa naman ang mga bumubuo ng serye ni Coco na gravecious na sa tagal. Inabot na nga raw ng pandemya eh andiyan pa rin si Cardo Dalisay.
Wala nga raw malulungkot dahil ang tsika na titigbakin ito eh na-extend pa ang pagpapalabas nito hanggang Hulyo. Bonggacious!
Well, well, well…’Yun na!