Advertisers

Advertisers

Baron inamin, nagamot ng misis ang tililing at pagiging lasenggo

0 247

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AMINADONG maraming insecurities ang magaling na actor at “Tililing star” na si Baron Geisler.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit kalat at walang direksyon ang buhay niya noon.



Hindi naman niya ikinaila na bukod sa pagiging lasenggo nagkaroon din siya ng mental issue.

Katunayan noong ikasal daw siya kay Jamie Evangelista at nagkaroon sila ng anak, nagkaroon ng 360 degrees turn ang kanyang buhay.

Noong maging tatay daw siya kay Talitha Cumi, malaki ang ipinagbago niya sa buhay.

“To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy,” aniya.

Malaki rin daw ang papel ng kanyang mag-ina para magamot niya ang alcoholism at at maharap ang kanyang mga bagahe sa buhay.



“Somehow, natulungan niya rin ako na mawala yung pagka…I don’t wanna use this term, but I have to, yung pagkatililing ko. I won’t hide it. I have a little bit of mental illness. I’m kinda crazy also, and I’m also recovering alcoholic,” aniya.

Napagtanto rin daw niyang hindi pa huli ang lahat para magbago siya alang-alang man lang sa kanyang pamilya.

“For me, there’s room to become a better you and to improve yourself and there’s always room for improvement as long as you want it and I really want this,” bulalas niya.

Sa ngayon, enjoy daw siya sa kanyang tahimik na buhay sa Cebu.

Lumuluwas lang daw siya ng Maynila kapag may showbiz commitments.

“I want a family life, the whole package—wife, home, kids. I’m embracing it here right now in Cebu. I love everything about Cebu. The culture is great here,” ani Baron.

Sa nasabing siyudad din daw sa South siya naging malapit sa Diyos.

“Dito ako nag-transform to a better human being, and I met my wife here also and I also met God here you know. I discovered how great God is so that’s why my heart is here in Cebu,” pagtatapos niya.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pelikulang “Tililing”dahil umano sa poster nito na opensibo raw sa mga taong may pinagdadaanan sa kanilang mental health.

Maging si Liza Soberano ay nagpahayag din noon ng kanyang disgusto sa nasabing poster na aniyaý insensitive.