Advertisers

Advertisers

Bino “JC” Garcia, plus factor na anak ng ex-actor na si Bino Garcia

0 485

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

MULTI-talented and total performer si Bino “JC” Garcia (bagong screen name ni JC Garcia).

Kaya naman maraming producers and promoters ang humahanga sa kanya na talaga namang world-class ang talent na kapag kumakanta feeling foreign artist ang pinakikinggan.



At dahil may talent din sa hosting, this March 12 ay mapapanood na si Bino sa pilot episode ng kanyang kauna-unahang TV show na “Bino “JC” Garcia LIVE” sa Best TV Channel US na mapapanood ng 9:00pm sa US na simulcast dito sa Pinas sa Channel 31 ng 1:00pm naman. Handog ito ng ATC International at ng MIGHTY “J” ENTERTAINMENT PRODUCTIONS. Maraming surprises si Bino sa kanyang show kasama na ang kanyang mga exclusive interviews via zoom sa mga sikat nating local singers at watch niyo, para maging aware kayo sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng mga iniidolo niyong singers noong 70’s and 80’s and millennials.

Narito pala ang bumubuo sa team ng TV production ni Bino na kinabibilangan nina: Eileen Love Lady In Red (Manager and Producer), Direk Tito Nel Talavera, ATC Marketer-Michael Miko V. Villanueva, Direk Erwina Arguelles, Direk Byed Oilicec, at Direk William Mayo.

Malaking factor din sa career ni Bino ang pagkakaroon ng sikat na tatay na late actor of 60’s na si Bino Garcia kaya puro celebrities ang ninong at ninang nito kabilang na ang veteran actress na si Divina Valencia na nakatambal noon ng kanyang ama sa 1969 movie na “Bino and Clayd” mula sa Bayanihan Film Productions. “Noong kasikatan ng Papa (Bino) ko ay marami siyang mga natulungan Kuya Peter at sobrang ganda ng buhay namin noon ng mga kapatid ko. “Pero nawala lahat magmula nang mawala siya. Kaya ako ‘yung nagsikap sa sarili ko para marating ko ang kinalalagyan ko ngayon at malaki ang pasasalamat ko sa Papa at sa Mama ko na nasa heaven na rin.”

Yes, itinuloy nito ang legacy ng tatay na actor.

***



Young Rock Arist Cool Cat Ash Gumagawa Na Rin Ng Sariling Pangalan At Masipag Mag-promote Ng Latest Single Na “LOKO”

Nakabibilib naman talaga ang talent ng mag-sister na Cool Cat Ash at Marion Aunor na hindi lang parehong recording artist kundi team din sa kanilang Aunorable Productions na gumagawa ng song writing, mixing production hanggang mastering.

Yes, lahat ng ginagawang covers ni Marion ay dito ginagawa also ‘yung mga band cover ni Cool Cat Ash. Maging ‘yung mga song na kinompos ni Marion for Sharon Cuneta and Jaya. Tumatanggap din sila ng video production at ang husay nila sa field na ito. Samantala, todo promote si Cat Ash ng kanyang latest single na “LOKO” under DNA Music PH.

Sunud-sunod ang guesting ng young rock singer (Cool Cat Ash) sa It’s Showtime TFC Online at sa MOR 101.9 sa program ni DJ Onse na “Live Sa Onsehan Exclusives” at sa MYX Exclusive Interview with DJ Ai dela Cruz.

At sa said zoom interview ay ang sarap ng batuhan nila ni DJ Ai at very jolly person pala ang daughter na ito ni Ma’am Maribel Aunor, na nakaaaliw panoorin.

Pero infairness, ang husay sumagot alam mong well-educated. ‘Yung “MATABA” Music Video ni Cool Cat Ash na mapapanood sa official Youtube channel ng ABS-CBN Star Music ay umabot na sa 22K views and counting.

Marami ang na-inspired sa kantang ito na nagbabawal sa Body Shame kaya tigilan na ang panlalait sa kapwa.