Advertisers

Advertisers

Gabby pinagmalaki, Sanya mapagmahal; Manolo natangay ni Pauline

0 293

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NOONG una pa lang nalaman ni Sanya Lopez na siya ang gaganap bilang leading lady ni Gabby Concepcion sa teleseryeng “First Yaya” na nag-back out ang original choice na si Marian Rivera-Dantes dahil na rin sa health issue, magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ng dalaga. Kaba dahil sa makakatrabaho na niya ang isa sa paboritong aktor na si Gabby.

Ani Sanya, magaling daw makibagay si Gabby sa mga katulad niyang baguhan sa industriya. Andun ang suporta ng aktor sa kanyang akting  at umaalalay sa kanilang mga eksena. Bukod dito ay maalalahanin din daw si Gabby, hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng staff and crew at kapwa artista sa “First Yaya.”



“Sobrang generous niya as in lahat sagot niya. Kung saan kami masaya tatanungin kami, ‘Anong gusto ninyo? Tapos nagluluto yan para sa amin,” wika ni Sanya.

Àt may say din naman si Gabby sa kanyang bagong  leading lady na si Sanya.

“Mapagmahal sa kapwa at saka madali siyang pakisamahan, madali siyang barkadahin. Marami ring dalang pagkain ‘yan,” say naman ni Gabby.

***

NAGSIMULA ang showbiz karir ni Manolo Pedrosa nang sumali sa Pinoy Big Brother last 2014, naging Kapamilya talent at nitong 2018 ay nagsimulang maging Kapuso.



Sa halos 7 taon na pamamalagi ni Manolo sa industriya ay ngayon lang daw niya naranasan na magkaroon ng isang big role sa teleserye. At yun ay nang gawin siya bilang isa sa lead star and leading man  ni Pauine Mendoza sa “Babawiin Ko Ang Lahat” na patuloy ang pagtaas ng ratings simul nang ipalabas nitong nakaraang linggo sa Afternoon Block ng GMA- 7.

Hindi kasi akalain ni Manolo na sa dami ng mga walang work ngayon na aktor ay nabigyang pansin siya ng Kapuso Network na gawin ang bagay na gusto niya sa buhay at ito ay ang umakting.

Buong akala kasi ni Manolo na pansamantalang ihinto ang kanyang showbiz karir dahil sa pandemya pero hindi pala at maganda pa ang role na nakuha niya.

Ani Manolo, enjoy siyang katrabaho si Pauline, effortless daw itong umarte pagdating sa mga mabibigat na eksena at naging malaking tulong din sa kanya dahil natatangay ang binata sa akting ng batang aktres.