Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
KINILIG ang shippers ng #JulieVid tandem sa naging pahayag ng Kapuso hunk na si David Licauco tungkol sa kanyang leading lady sa upcoming GTV series na ‘Heartful Cafe’ na si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.
Sa naganap na Kapuso Brigade Zoomustahan, na-curious ang fans sa kung ano ang masasabi ni David ngayon na nagkakasama na silang dalawa sa mga eksena.
Pagbabahagi niya, hangang-hanga raw siya sa work ethic ni Julie sa set, “She’s very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she’s very talented. But ang pinakahinangaan ko sa kanya is ‘yung mood n’ya at 8 a.m. is not different from ‘yung mood n’ya sa last scene. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya ‘yung ginagawa n’ya. Sinabi ko nga sa kanya ‘yun, e. Na parang ang galing at ‘di ko siya nakita ever na sumimangot.”
Kalat na sa social media ang mga behind-the-scenes photos ng ‘Heartful Cafe’ at hindi talaga maikakaila ang kanilang chemistry. Kaya naman, todo abang na sila sa nalalapit na paglabas nito sa GTV.
***
SA isang panayam namin pre-COVID 19 pandemic kay Snooky Serna ay tinanong namin si Snooky, since naging sikat na child star at teenstar siya noon, kung ano ang masasabi niyang malaking pagkakaiba ng mga artista noon at ngayon.
“Ako ang feeling ko ang kaibahan nila e mas daring sila, unang-una sa lahat.”
Daring sa harap ng kamera o sa personal na buhay?
“I think in general, e. Even yung approach nila sa buhay, iba. Kami kasi noon masyado kaming timid, shy, nakahawak kami sa palda ng mga mommies namin.
“And para bang we were so afraid to take risks. Hindi kami masyadong risk-takers. Ngayon talaga ang mga millenials, masa-shock ka sa kanila. Yung talagang kung ano ang ipagawa sa eksena.
“Kiss kung kiss! Daring kung daring, yung ganun,” bulalas ni Snooky.
Hindi raw siya naging daring sa mga pelikula niya lalo noong dalaga siya.
“Sa amin ang pinakaseksi na nun yung literally nag-kiss kayo in bed tapos yung daya na naka-tube kami tapos nakakumot na ganun, iyon na ang pinaka-lovescene namin.
“Pero yung mga ungul-ungol, mga pumping-pumping, ayyy!”
Ang pinaka-daring daw niyang ginawa ay sumayaw ng naka-negligee bilang battered wife ni Ricky Davao sa Abot Hanggang Sukdulan na si Eddie Rodriguez ang direktor noong 1989.
“It was such a safe, tame scene as opposed to today’s lovescenes.
“But I’m not saying this to disrespect them or in disdain, wala, walang ganun. I’m not looking down on anyone.
“Part lang ng trabaho and sa kanila I respect their… kanya-kanyang… to each his own yan, e. Iyan ang kanilang opinion, at tsaka smart naman sila, e.
“They know what they’re getting into, tinatanong naman nila, matanong sila ngayon, e. Hindi sila yung basta oo lang ng oo, e.
On the contrary, they ask, they inquire, they’re very inquisitive, ‘Para saan itong eksenang ito?’
Samantala, isa na namang bagong episode ng Magpakailanman ang mapapanood ngayong Sabado, March 6, alas otso ng gabi.
May pamagat na When I Fall In Laugh: The Vincent Aychoco Story, tampok sa naturang episode ang buhay ng komedyanteng si Petite. Tampok sina Kevin Santos (Petite), Dennis Padilla (Tatay Arvin), Ashley Rivera (Alma) at Snooky Serna (Jessica).
Sa direksyon ni Conrado Peru, panulat ni Vienuel Ello at pananaliksik ni Angel Launo, iikot ang kuwento na sa umpisa ay hindi tanggap ni Tatay Arvin ang pagiging bakla ni Petite. Pero sa kabila nito, sa tatay niya piniling sumama nang maghiwalay ang kanyang mga magulang.
May nagkagustong matandang babae kay Petite — si Jessica. Kahit halos parang nanay na niya ito ay kanya itong inasawa para mapasaya ang ama. Tanggap ni Jessica ang pagiging bading ni Petite at tinanggap din ni Petite ang anak ni Jesicca sa una na halos kaedad niya — si Alma.
Pero nang magsama-sama sila sa iisang buong, nadiskubre nila na may relasyon na pala sina Alma at Arvin, at buntis na si Alma. Kaya, ang ama ni Petite ay parang anak na rin niya.