Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MALAPIT sa loob ni Benjamin Alves ang kanyang character sa Owe My Love na si Doc Migs Alcancia dahil kahit paano raw ay nailalabas niya ang mga gusto niyang iparamdamdam sa kanyang yumaong ama.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Ben ang message niya sa kanyang late dad: “I hope you hear the things I never got to say to you through my relationship with Lolo Badong (Leo Martinez). I hope you see how much I wanted to say I love you but never could. I wish I could’ve taken better care of you the way Migs does to his Lolo. Still, I hope you are happy with me as your son.”
Ganito rin ang naging sagot niya sa #KPRGAsks sa Facebook page ni Kapuso PR Girl: “Lahat po ng mga linya ni Doc Migs, yun po ang feelings ko toward my dad. ‘Yun po ang pinakahugot for me for the character na Doc Migs.”
Tiyak kaming marami rin ang nakare-relate sa karakter ni Ben bilang isang mapagmahal na apo. Kaya naman tuloy lang ang pagsubaybay sa kuwento ni Doc Migs Alcancia gabi-gabi sa GMA Telebabad.
***
Paul Salas pinamalas ang singing talent sa OST ng The Lost Recipe
Hindi lang charm at galing sa acting ang ini-offer ni Paul Salas sa The Lost Recipe, kundi pati na rin ang talent niya sa pagkanta.
Si Paul ang umawit ng “Tama Ba o May Tama Na,” na kabilang sa OST ng nasabing fantasy-romance series. Ang single ay produced ng Playlist Originals at available na for download sa iba’t ibang digital platforms worldwide.
Tila saktung-sakto ang kanta sa mga nangyayari ngayon sa trending series ng GMA Public Affairs dahil palakas na nang palakas ang nararamdaman ng karakter ni Paul as Frank para kay Chef Apple (Mikee Quintos). May pag-asa nga ba siya sa kanyang ‘match’?
Huwag nang pigilan ang kilig at manuod ng The Lost Recipe, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GTV.