Advertisers
GINULANTANG ng malakas na pagsabog ang Carmen Cotabato, Central Mindanao nitong Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa inisyal na ulat ng Cotabato PNP, 3:00 ng madaling araw nang hagisan ng granada ang kabahayan sa Barangay General Luna, Carmen, North Cotabato.
Dahil sa lakas ng pagsabog may mga sibilyan na nasugatan.
Agad na nagresponde ang mga pulis at sundalo. Dinala ang mga sugatan sa pagamutan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa pangyayari.