Advertisers

Advertisers

Rebel returnee dinakip sa kasong rebelyon

0 213

Advertisers

DINAKIP ng mga kasapi ng Bambang Police Station ang dating miyembro ng KLG Sierra Madre-Aurora dahil sa kasong rebelyon sa Cauayan City.
Kinilala ang akusado na si Reynaldo Santos alyas Marvin Dela Pena at Ka Pong Pong, 37 anyos.
Ayon sa Bambang Police Station, isinilbi nila ang warrant of arrest laban sa akusado ilang linggo pa lamang nang nagbalik-loob ito sa pamahalaan.
Sa ulat, sumuko si Santos dahil sa naranasang gutom at kahirapan sa lugar kungsaan noon namamalagi ang kanilang grupo.
Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Paul Atolba Jr. ng RTC Branch 30, Bambang, Nueva Vizcaya sa kasong Rebelyon na walang inirekomendang piyansa.