Advertisers

Advertisers

Nash todo-deny na nanganak at nabinyagan na ang anak kay Mika

0 288

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHANG pinaghahandaan nang husto ng Asia’s Multimedia star na si Alden Richards ang movie nila for the first time ni Bea Alonzo, ang “A Moment To Remember.” IIan kasi sa shows ni Alden sa GMA7  ay hindi na muna siya nakikita tulad ng daily show niyang “Eat Bulaga” at may mga times na hindi siya nakakapag-report sa “All Out Sunday.”

Mabuti na lang may mga advance taping pa siyang nagawa para sa “Centerstage” kaya nakikita pa si Alden ng mga fans niya sa telebisyon.



Tsikang nagbuhos ng malaking panahon si Alden para sa pelikulang ginagawa. Kahit  adaptation ito ng isang Japanese series na “Pure Soul,” na ginawan din noon ng Korean movie version way back 2004, ‘di ganun kadali para sa dalawa na muling buhayin ang nasabing serye.

Ani Alden, ibang-iba raw ang gagawin nilang atake ni Bea sa mga karakter ng naturang peikula. It’s on their own since lalagyan na rin ito ng mga kultura at galawang Pinoy.

Naging mas malaking hamon sa mga aktor kung paano nila gagampanan ang kanilang karakter. Kung hindi man kasing husay ng mga original cast nito ay mas dapat higitan pa.

Isang malaking hamon ito para sa kanila dahil pareho silang first timer na gumawa ng isang remake movie.

Hindi raw nila panonoorin ni Bea ang Japanese series at ang Korean movie version na “A Moment To Remember” para magkaroon sila ng sarili nilang atake.



***

NAGING malaking katanungan bigla ang isang post ni Nash Aguas sa kanyang personal social media, kung totoo ba ang naturang post o papansin lang ito?

Sa naturang post kasi ay may isang larawan na very sweet sa isa’t isa si Nash at ang kanyang girlfriend na si Mika dela Cruz at ang photo ay nilagyan pa ni Nash ng ganitong caption:

“Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz Hahahahahahha Sorry Na Labyu Hahahaha.”

Ilang oras pagkatapos na mai-post ni Nash ay inulan agad ng mga negatibong komento ang kanyang inbox at may nagtatanong pa kung nanganak na ang gf niya na hindi nila nalaman  na nabuntis pala?

And the height, hindi lang sa Instagram kumalat ang naturang post ni Nash, naging isyu rin ito sa You Tube, na mas lalong inulan ng tanong ang socmed ni Nash, sa pagbubuntis at panganganak ni Mika.

Napanood ni Nash ang naturang video sa You Tube na nagsasabing buntis si Mika. Tinawanan lang ng young actor ang isyu at sabay sabing fake news.

Ayon kay Nash, kaya raw nasabi niyang bibinyagan na si Mika sa caption ng larawan nila na pinost niya ay dahil sa suot ni Mika na puting damit na nagmukha raw anak niya.