Advertisers

Advertisers

Pia tinarget ng netizen, plastik daw sa nakaalitang utol

0 229

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGING kontrobersyal noon ang naging birada ng kapatid ng dating Ms. Universe Pia Wurtzbach na si Sarah nang magkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan ng kanyang ina.

Sa naturang gulo, nadamay si Pia at nagbanta pa si Sarah na isisiwalat daw ang baho ng beauty queen.



Pinili namang iresolba ni Pia kung anuman ang hindi pagkakaunawaan nila sa pamilya sa mapayapang paraan.

Katunayan, napatawad na ng beauty titlist ang kanyang younger sister sa naging banat nito sa kanya noon.

Pero, hindi pa pala tapos ang isyu sa ilang netizens tungkol sa naging away nila dahil  kamakailan lamang ay binigyan ng malisya ng isang basher ang kanyang pagbati sa kaarawan ng kapatid.

Isang netizen kasi ang pumuna kay Pia at sinabing plastic ito at ginagawa lang umano niya ito bilang pakitang-tao at para lamang matuwa ang mga tao sa kanya.

Sey din ng naturang netizen, hindi niya maarok ang tunay na motibo ng pagsasapubliko ng mensahe ni Pia kay Sarah.



Hindi naman nagustuhan ni Pia ang pagbibigay ng malisya ng nabanggit na netizen sa kanyang pagbati sa kapatid kaya binuweltahan niya ito.

Aniya: “Hay, first of all, stop hating on  her. She went thru a lot and is still going thru some things.  We’ve been in good things for a while and I always post a birthday greeting to her every year.

“The people who are really close to me know how much I care about Sarah. Now if you find that unbelievable that’s on you. But that’s how I feel. Tsaka I don’t like being in bad terms with anyone especially family. No matter what happens she’s still my only sister and my blood. Every one makes mistakes. Di ka ba marunong mag-move on? Ako nga, naka-move on na ko eh.”

Nakakuha naman ng kakampi si Pia sa netizens na naa-appreciate ang kanyang pagiging peace-loving at mapagmahal na kapatid.