Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MULING sasabak sa paggawa ng pelikula ang aktres/public servant na si Ina Alegre. Ito’y via Abe-Nida na tinatampukan nina Allen Dizon at Katrina Halili.
Masasabing ito ang comeback movie ni Ina na mas aktibo ngayon sa pulitika bilang Mayor ng Pola, Oriental Mindoro.
“Yes, more or less ay comeback movie ko ito mula nang nagka-pandemic,” pahayag ni Ina.
Aniya pa, “Kasi before pandemic, may na-shoot kaming movie kasama si Dina Bonnevie, ang title ay The One. Parang disaster movie siya, doon ito nag-shoot sa Pola, kung saan ako mayor.”
Ano ang reaction niya na kahit may pandemic, may movie siya ngayon?
Lahad niya, “Iyon na nga, nagulat nga ako. Kasi magandang project ito kaya thankful ako.
“Siyempre, rito ako galing, eh. Talagang hinahanap ng katawan ko, hinahanap ng puso ko kung saan ako galing. Kaya big break ito para sa akin at sa ating bayan, kasi sa gitna ng pandemic ay may ganitong movie at may nagtitiyagang mag-produce ng pelikula.
“Although siyempre, ito na rin ang pagkakataon ng mga producer, kasi halos lahat ng tao ay nasa bahay lang. And internet based na lahat ng mga tao halos… Hindi makatulog, so ang gagawin nila ay manood na lang nang manood ng movie na kailangan talaga ay may mapagpilian sila.
“Kilala ang BG sa paggawa ng mga award winning films, so, siguro ito yung way para maiba yung pananaw nila sa Filipino movies,” mahabang esplika pa ni Mayor Ina.
Wish ba niyang mas maging active ngayon sa showbiz?
Sagot ng unang babaeng mayor ng Pola, “Yes, mas gusto ko, basta may time lang na hindi masasagasaan ang pulitika at ang pagtatrabaho ko bilang mayor, ang trabaho ko para sa mga kababayan ko sa Pola, okay lang naman.”
Ang nasabing movie ay mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go, sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio, at sa script ni Direk Ralston Jover.
Tampok din dito ang mga premyadong actor/direktor na sina Joel Lamangan at Laurice Guillen. Plus, sina Maureen Mauricio, Vince Rillon, Leandro Baldemor, at iba pa.