Advertisers

Advertisers

Miembro ng KFR at most wanted person huli sa Zambo

0 222

Advertisers

NADAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP- AKG) ang isang miyembro ng kidnapping group at most wanted person sa operasyon sa Siocon, Zamboanga Del Norte City.
Kinilala ang nadakip na si Homer Ocampo, miyembro ng Lumarang Group na nag- o-operate sa Zamboanga Del Norte at nagsisilbing spotter/hitman.
Sa report, 9:00 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elememto ng AKG Mindanao Field Unit, Regional Mobile Force Battalion 9, 42nd Infantry Battalion sa Brgy. Siay, Siocon, Zamboanga Del Norte.
Isinagawa ang operasyon base sa warrant of arrest sa kasong murder mula sa sala ni Hon. Laarni N. Dajao ng RTC Branch 27 sa Siocon, Zamboanga Del Norte.
Ayon sa ulat, si Ocampo ay sangkot sa kidnapping, roberry extortion at gun for hire na nag- o-operste sa area ng Sulu at Basilan.
Sangkot ito sa pagkidnap sa Javier Family noong June 28, 2018 sa Brgy. San Nicholas, Sirawai Zamboanga Del Norte. (Mark Obleada)