Advertisers

Advertisers

Sales agent hinoldap sa loob ng grocery

0 217

Advertisers

ISANG ahente at kasamang driver ang natangayan ng mahigit P90,000 nang holdapin sa loob ng grocery habang nagde-deliver ng mga paninda sa Pamplona, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Alfredo Alain, 26 anyos, sales agent, ng Maguddayao St., Barangay Ugac Norte, Tuguegarao City; at Jonathan Batan, 31, driver, ng Barangay. Dalaoig, Alcala.
Sa ulat, 12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng tindahan ng kanyang kliyente sa Barangay Bagu ng nasabing bayan.
Ayon sa report, habang nakikipag-usap si Alain sa may-ari ng tindahan biglang pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves at helmet habang ang isa nitong kasama ay nag-aabang sa labas. Tinutukan nito ang biktima ng baril at nagdeklra ng holdap.
Walang nagawa ang biktima nang kunin ng holdaper ang kanyang sling-bag na naglalaman ng P90,000 na nakolekta at kanyang cellphone.
Tumakas ang mga holdaper lulan ng isang motorsiklo.