Advertisers

Advertisers

Maxine binisto, kinabog nang makita si Gabby

0 301

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

AMINADO si Maxine Medina na kinabahan siya sa unang araw ng taping ng First Yaya dahil na-starstruck siya sa male lead ng show na si Gabby Concepcion.

Hindi raw inakala ng beauty queen-turned-actress na kung dati ay napapanood lang niya sa pelikula at telebisyon si Gabby, ngayon ay kasama na niya ito sa isang proyekto.



Guwapung-guwapo si Maxine kay Gabby at ayon nga sa dalaga ay parang hindi raw tumatanda ang aktor.

Samantala, happy ang Binibining Pilipinas-Universe 2016 title-holder dahil magaan daw katrabaho ang lahat ng kanyang kasama sa romantic-comedy series na pinagbibidahan nina Gabby (bilang Glenn Acosta) at Sanya Lopez (bilang Melody Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Ipakikilala naman sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at  Joaquin “JD” Domagoso (Jonas).

Nasa serye rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.



Ang First Yaya, na nagsimula nang umere kagabi, Lunes, March 15,  ay sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Dahil may pandemya na hatid ng mapamuksang COVID-19, naka-lock in taping ang buong produksyon ng First Yaya.

At ine-enjoy ni Maxine ang lock in na trabaho.

“Actually mas malaki po yung benefit kapag ganito kasi first of all sobrang focused ka, may time ka to read everything.

“Tapos second, siyempre lahat, walang nale-late, tapos… basta mas ano po sa amin, parang for me, it’s mas convenient for everyone to be in one place basta kapag kailangan.

“And nakaka-focus ka sa work mo talaga.”

Kaya pabor si Maxine na ituluy-tuloy na ng mga TV network ang ganitong klase ng set-up ng taping kahit matapos na ang pandemya.

“I think much better po yung lock in, for me. Kasi po iyon nga po nakaka-focus ka ng maayos sa work, tapos lahat na nandoon, lahat ng kailangan mo nandoon din, in one place.

“And wala pang aberya na traffic, yung mga ganun pong problema. Di ba po, minsan nale-late tayo sa work, so wala na pong excuses,” at tumawa si Maxine, “kapag kasi naka-lock in na po tayo walang problema.

“Walang maaaberyang ibang tao.”

Kontrabida si Maxine sa First Yaya at inamin niyang sa simula ay nahihirapan siya sa kanyang papel bilang Lorraine Prado.

“Yung contravida role, for me mahirap talaga, pero nandiyan yung directors (Madridejos at del Carmen), yung co-actors ko to guide me all the time.

“Actually, every scene ko, kailangan mataas ako, malditang-maldita talaga na sobrang galit.

“Talagang kailangan pa rin akong turuan ng direktor kung paano gagawin, kung paano aatakihin, which is sobrang gustung-gusto ko.

“Na puwede ko palang gawin ito,” sinabi pa ni Maxine.

Talent ng Empire.PH ni Jonas Gaffud si Maxine.